Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

July 17-Eid’l Fitr deklaradong holiday — PNoy

PORMAL nang idineklara ng Malacañang na regular holiday sa buong bansa ang Hulyo 17, 2015, Biyernes, para sa pagdiriwang ng Eid’l Ftr ng mga Muslim.

Ito ay base na rin sa Republic Act No. 9177 na nagdedeklarang regular holiday ang feast of Ramadan.

Ito ang araw na pagtatapos ng buwan ng pag-aayuno ng mga kapatid na Muslim.

Ang deklarasyon ay nakapaloob sa memorandum number 1070 na nilagdaan ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

“Whereas, Eid’l Fitr is celebrated by the Muslim world for three (3) days after the end of the month of fasting; whereas, the entire Filipino nation should have the full opportunity to join their Muslim brothers and sisters in peace and harmony in the observance and celebration of Eid’l Fitr, and whereas, in order to bring the religious and cultural significance of the Eid’l Fitr to the fore of national consciousness, it is necessary to declare Friday, 17 July 2015, as a regular holiday throughout the country,” bahagi ng deklarasyon ng chief executive.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …