Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dra. Vicki, aminadong may kurot pang naramdaman nang magtagpo sila nina Katrina at Hayden

051215 vicki belo Katrina Hayden

00 fact sheet reggeeNAKATSIKAHAN namin si Dra. Vicki Belo sa ginanap na The 25 Beautiful Years of Belo grand launch sa Trinoma Activity Center noong Sabado kasabay ng grand launching din ng Belo Essentials.

Nagkausap na raw kasi sina Dra. Belo at Katrina Halili na nakaalitan niya dahil sa sex video scandal nila ni Hayden Kho pitong taon na ang nakararaan.

Inamin ng may-ari ng Belo Medical Group na ang talent manager/TV host na si Manay Lolit Solis ang dahilan kung bakit nakapag-usap sina Dra. Belo at Katrina kasama si Hayden.

“Noong una akala ko kung ano na namang tsika ni ‘Nay Lolit noong pinapunta niya ako (venue), tapos nagulat ako dumating si Katrina.

“Sabi ni ‘nay Lolit, it’s about time na tapusin na ang isyu, so ako sige,” pahayag ng doktora.

Wala raw pagbabago sa pagkakakilala ni Dra. Belo kay Katrina, “the same Katrina that I used to know before. Very respectful, natatawa nga ako kasi pino-’po’ niya si Hayden.

“Tapos sabi niya (Hayden), ‘Bakit mo ako tinatawagan ng po?’

“Tapos, you know, I couldn’t help myself. Sabi ko, ‘rati pa naman, po siya ng po, eh (sabay tawa).

“So, sabi ni Manay (Lolit) ginanun ako (siniko) ni Manay. Sabi ko, ‘Opo Manay. Wala na akong sinabi,” natatawang kuwento pa sa amin.

Dagdag pa, “noong nakita ko silang dalawa (Hayden at Katrina), parang bumalik all the memories, so parang nahirapan ako.

“Buti na lang nandoon si Manay, sabi niya kaya mo ‘yan, sabi ko naman, yes.

“Sabi ko nga kay Katrina, ‘alam mo Kat, sa lahat ng tao, sa ‘yo ako nasaktan, kasi akala ko magkaibigan tayo, tapos sabi ni Manay, ‘tama na!’ so okay!” kuwento pa.

Hindi naman itinanggi ni Dra. Belo na may sakit pa siyang naramdaman, “hindi naman walang-wala, may kaunting turok pa.

“I have to forgive, but it’s not that easy, pero sabi ko nga, ang Diyos nga nakakapagpatawad.”

At dito lang daw nakapag-sorry si Katrina sa kanya, “actually the two (Hayden at Katrina) of them, wala naman akong ginawa so, hindi ako nag-sorry.”

“Hayden apologized to me years and years na, Hayden apologized to Katrina and then, Katrina apologized to me.

“And I had to say na, ‘I forgive you,” sabi pa.

Bagamat nakikitang parating magkasama na ngayon sina Dra. Belo at Hayden ay hindi pa rin pala totally sila nagkabalikan na, “were friends, ha, ha, ha,” natawang sabi sa amin.

Bumalik na ba ang tiwala ni Dra. Belo kay Hayden? “The trust is, he’s working on it and so I think, that’s hard.

“To trust again, kasi forgiveness, matagal na niyang hiningi ‘yun, eh. Pero to trust (him), put your heart in his hands again, talking about marriage, medyo hard, not yet ready, wala pa,” pag-amin pa ni Dra. Vicki.

ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …