Tuesday , December 24 2024

‘Yung masakit ‘yung walang bahay, walang pagkain, walang pamilya — Pacman

022015 Manny Pacquiao pacman pray

00 fact sheet reggeeSOBRANG nabagbag ang damdamin ni direk Paul Soriano nang ikuwento sa kanya ni Pambansang Kamao, Manny Pacquiao ang pinagdaanang hirap nito sa buhay noong nagsisimula palang siya sa boksing dahil hindi inakala ng nasabing direktor na sa kabila ng tagumpay nito ay nanatiling mababa ang loob.

“He said something to me that really hit me. Not verbatim, but something like, ‘Oh, you know, ‘yung boxing nakikita mo ngayon sa TV na-knockout ako, nagte-training, lahat ‘yan hindi ‘yan sakit para sa akin.

“’Yung sakit, ‘yung walang bahay, walang pagkain, walang pamilya. ‘Yan ang masakit.

“’Yung sa boxing, ‘pag mana-knockout pa ako, at least may pera, may pamilya ako. Pero noong bata ako, wala akong bahay,” kuwento ni direk Paul sa ginanap na presscon ng Kid Kulafu noong Lunes ng gabi sa Dolphy Theater.

Bukod dito, sobrang nagpapasalamat din si direk Paul kay Manny dahil ipinagkatiwala sa kanya ang pagsasapelikula ng buhay niya.

“This film reminds him of where he came from. He came from nothing. He mentioned that in his press conference with Floyd (noong Marso 12 sa Las Vegas, USA).

“This movie brought him back to those days where he was Emmanuel, Quiao, Manuel. That was his name before.

“Every time he would talk, especially in the early part Floyd was there also you could see that he gets emotional when he talks about his mother, Mommy Dionisia,” pahayag ng direktor.

Pacman, sobrang proud sa Kid Kulafu

At nang mapanood daw ni Manny ang Kid Kulafu, ”he’s (Manny) really proud of the film and he’s hoping that this can also inspire all the Filipinos to rally behind him as he gets into that ring and hopefully knocks out Mayweather.”

“With or without Mayweather, Manny Pacquiao is gonna go down as one of the best boxers in boxing history. He’s gonna be in the Hall of Fame.

“You cannot take away the ten world titles in eight weight divisions. It’s unprecedented. Mayweather does not define Manny,”sabi pa ng direktor.

Isa pang ikinagulat ni direk Paul ay kapag may laban si Manny ay nagagawa nitong patahimikin ang mga tao sa kabila ng kaguluhan, kumbaga cease fire muna.

“Where can a hundred million people come together for an hour and still be at peace? He’s able to unite big networks. I felt that wow!

“This young boy who grew up in Sarangani, in Bukidnon, in the mountains is able to influence not just the Philippines but the world.

“And on May 3, the world will stop and watch our [modern-day] hero Manny Pacquiao.

“Win or lose, he’s got my support, and I think every Filipino can say that too,” papuri ni direk Paul.

Sabi pa ng direktor na maski wala raw siya sa ringside, basta’t susuportahan niya si Manny at as of now ay mag-isa lang siyang lilipad sa Las Vegas.

‘Di gumagawa ng teleserye dahil sa ‘di magaling mag-Tagalog

Samantala, natanong din si direk Paul kung bakit hindi siya nagdidirehe ng teleserye ngABS-CBN at nabanggit niyang maraming offers kaso tumatanggi siya dahil pakiwari niya ay hindi niya ito kakayanin kasi nga, ”my Tagalog is not good, kung sila (cast) took two (2) minutes to read the script, ako five (5) minutes or more, so it will take long before I finish it,” katwiran ng husband-to-be ni Toni Gonzaga.

Speaking of Toni, inamin din ni direk Paul na napanood na niya ang pelikulang You’re My Boss at tawang-tawa raw siya kay Coco Martin dahil nakatutuwa pala talaga at walang effort sa comedy.

“Actually, it’s really funny. I know si Toni rin magaling ‘yan sa comedy, pero si Coco ang natawa talaga ako.

“I see him from mga serious niya, ‘yung films niya sa Cannes (Film Festival).

“Then, all of a sudden, naging comedy (‘You’re My Boss’), parang ang galing niya, okey siya.

“And I can relate kasi my Tagalog is like his English sa movie,” kuwento ni direk Paul.

ni Reggee Bonoan

 

 

About hataw tabloid

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *