NASA larawan sina (Mula sa kaliwa) Ms. Mitzi Uy, president ng Cheescake Worx at Mr. Walter co, preisent ng C. Walter Company Inc.. kasama si Heart Evangelista-Escudero sa pagbubukas ng pinakabagong branch ng Uncle Tetsu sa SM Megamall.
IGINIIT ni Heart Evangelista na wala silang samaan ng loob ni Angelica Panganiban ukol sa hindi nito pagdalo sa kanilang kasal ni Sen. Chiz Escuderoat ang hindi naman niya pangungulit sa kaibigan para dumalo.
Aniya, matanda na sila para sa tampuhan issue. ”If you cannot make it, then you cannot make it, it’s okay. We have a whole life, may binyag pa, may ninang-ninangan moment pa, so it doesn’t stop there. So I hope she doesn’t take it to heart na hindi ko siya tinawagan ulit-ulit, sana wala naman, kasi ako for me, okay lang, wala naman din,” giit ni Heart nang makausap namin ito sa ribbon cutting ng bagong bukas na Uncle Tetsu Cheese Cakes sa SM Megamall.
Ukol naman sa usaping hindi niya pangungulit kay Angelica, ”You know, I had other issues, too, I had my parents (issue) ongoing, so I will think that she will not take it into heart that I didn’t keep calling her but hindi ko lang personality ’yung mangulit na ‘go, go, go’, ’di ba?” giit pa ng kasalukuyang brand ambassador ng Uncle Tetsu Cheese Cake.
Sinabi pa ni Heat na hindi siya tatakbo sa anumang posisyon tulad ng mga nababalita. ”I have nothing against artistas running for politics but I don’t see the point to run. Isa na lang siguro ’yung politiko sa buhay namin, okay na siguro,”anang aktres.
Samantala, natawa naman si Heart nang sabihin ng entertainment press na may bago na siyang ‘Chiz’ sa kanyang buhay, ito nga ay ang Uncle Tetsu Cheese Cakes.
Ang Uncle Tetsu ay ang 66-year-old Japanese traveller na nasa likod ng popular na Uncle Tetsu Cheese Cake. Matatagpuan ang Uncle Tetsu Cheese Cakes sa China, Taiwan, Thailand, Singapore, Malaysia, Cambodia, at maging sa US.
Dumating ang Uncle Tetsu brand sa Manila noong nakaraang taon at agad ding naging paborito ito. Katunayan, laging maraming customers sa stores nito sa SM Fairview, SM Mall of Asia, SM San Lazaro, SM Bacoor, SM Manila, The Podium, at Alabang Town Center. At pinakabago nga ang branch sa Megamall, na dinaluhan ni Heart bilang brand ambassador.
“The popular Japanese CheeseCake brand recognizes Heart’s gentle, elegant, and multi-dimentional image as a reflection of the light, delicate, and flexible character of its cheesecake achieved through a tradition of careful selection of the finest and freshest all-natural ingredients,” ani Mr. Walter Co, president ng C. Walter Company Inc..
Ang Uncle Tetsu’s popular Japanese-style cheesecake ay may sangkap na premium cheese at butter at farm fresh eggs and milk. Hindi ginagamitan ng preservatives ang lahat ng cake na freshly-baked araw-araw. Ang eleganteng lasa nito ay nasa katamtamang tamis at kinawiwilihan ang natatanging lambot at melt-in-your-mouth texture.
“Uncle Tetsu Cheese Cake is just perfect,” ani Heart. ”It’s totally delicious and filling but because it’s light and fluffy, it’s not heavy on the tummy. No wonder it has remained a favorite by many people in other countries, and has been embraced just as warmly by Pinoys. I’m so glad to be its brand ambassador in the Philippines.”
ni Maricris Valdez Nicasio