Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Anak ni Lloyd Umali, aktibo sa pagmomodelo

 

ni Roldan Castro

021815 Lloyd mika Umali

TIYAK na magiging proud father si Lloyd Umali nang rumampa ang kanyang anak na si Mika bilang finale sa fashion show ng modelling agency na Paradigm Shift na pinamumunuan ni Chris Pimentel ng Surigao. Dumating si Lloyd sa Metro Tent sa Metrowalk bago mag-finale.

Todo ang support ni Lloyd sa mga anak niya at bumabawi siya sa ‘oras’ na nahiwalay sa kanya ang ilang mga anak. Magkakasundo naman daw ang lima niyang anak na galing sa tatlong mommy.

Anyway, itinuturing si Mika na prime model ng Paradigm Shift. Itinayo ni Chris ang naturang modeling agency para tulungan ang mga modelo at maiangat ang antas nito. May mga istorya kasi ang mga modelo na natakbuhan ng bayad, binabarat ang mga talent fee, ginagawang young matrona ng mga boyfriend, at inaabuso.

Nakilala ni Chris si Mika sa car shows na nag-model ang dalaga. Photography kasi ang hilig niya kaya ito rin ang daan na nagkaroon siya ng modeling agency.

Kuwento ni Mika, “My dad left us when I was 5. He went to the US with my lola. Noong kumanta ako some years ago sa Laffline, I was interviewed. And that’s where they came to know na I am my papa’s daughter. Tapos na-interview na ako. Si Ogie Diaz pa nag-interview sa akin and my mom. And that opened na my communications with my dad.”

Ang lounge singer na si Kate Estrada ang mother niya. Gusto rin daw ni Lloyd na pasukin ng anak ang showbiz at maging singer. Idiniin din niya na wala siyang sama ng loob sa papa niya noong maghiwalay ang parents niya. Binawi raw sila ng mama niya sa pangangalaga ni Lloyd.

Sa pangangalaga ng Paradigm Shift tiyak na magsa-shine si Mika.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …