Tuesday , December 24 2024

Anne, binaboy ang kantang Chandelier

ni Alex Brosas

021715 anne

KAILAN kaya matututong kumanta ng tama itong si Anne Curtis?

Nagkalat na siya noon, nagkakalat pa rin siya ngayon. Ano ba ‘yan Gary V, hindi na natuto?

Well, at least consistent siya sa pagkakalat, ‘di ba?

Nang mag-performed kasi si Anne sa b-day celebration niya sa noontime show ng Dos ay talagang binaboy niya ang Chandelier by Australian singer Sia.

Actually, nagpauna na si Anne na paos siya pero kinarir naman niya ang pagkanta.

Noong una, nag-piano pa siya bago nag-acrobatic sa stage. Hitsurang parang batang nagpaikot-ikot habang nakasabit sa isang malaking chandelier.

Halatang wala sa kondisyon hindi lang ang boses ni Anne kundi maging ang katawan niya. Halatang malat na malat siya at pinilit lang niyang kumanta.

Maging ang katawan niya ay obvious na wala rin sa kondisyon. Wala siyang grace sumayaw at para siyang lasing sa stage.

Bakit ba parang pagod na pagod siya sa kanyang production number? Parang wala pa siyang tulog, ha. Hindi kaya nalasing siya the night before her performance kaya wala siya sa hulog?

Anyway, binababoy na naman ni Anne ang isang sikat na kanta. Well, may bago pa ba?

 

 

About hataw tabloid

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *