Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ai Ai, lilipat sa GMA; show na gagawin, pinagmimitingan na

ni Ronnie Carrasco III

021615 AIAI delas alas

TOTOO nga bang nakaabang na ang GMA sa paglipat ni Ai Ai de las Alas mula sa ABS-CBN?

Tulad ng aming naisulat, Ai Ai’s contract with her home network expires this March, at mukhang malabo na niya itong i-renew makaraang sitahin ng Star Cinema—the statiom’s film arm—kung bakit P30-M lang ang kinita ng kanyang huling pelikula, ang Past Tense.

Earlier, too, isinulat din namin from a reliable source na sa TV5 balak lumundag ni Ai Ai, na ewan kung silakbo lang ng damdamin ng emoterang komedyana!

Why we assume now na mukhang hindi na sa TV5—kundi sa GMA—na lilipat ang hitad are talks na isang grupo sa ETV (Entertainment TV) ang nagmimiting para buuin ang isang show para kay Ai Ai.

SUMASABLAY NA ANG CAREER NANG MAKANSELA ANG VALENTINE SHOW

MUCH has been said and written tungkol sa pagkakansela ng Valentine concert ni Ai Ai de las Alas, at ang itinuturo nga niyang salarin ay ang mismong producer nito, si Jacob L. Fernandez.

Hindi na bago sa aming pandinig ang pangalan ni Jacob. Once during his GMA stint many years ago, kilala siya sa corporate na tawag bilang JLF.

Kung hindi rin kami nagkakamali, hindi ‘yun ang unang pagkakataong naka-deal ni Ai Ai si Jacob. In fact, Jacob should have taken full credit for the success ng first major concert ni Ai Ai many years back at the Folk Arts Theatre.

Seduct Me o Respect Me yata ang pamagat ng show na ‘yon with no less than Startalk creative director Floy Quintos bilang direcktor at scripwriter nito.

Naalala tuloy namin ang kuwento ng management office ni Ai Ai, ang Backroom, Inc. ni Boy Abunda. Dahil si Jacob din ang may pakana ng malaking concert na ‘yon, all along ay umasa ang kampo ni Ai Ai na all-systems-go ‘yon.

Pero at the last minute, ang kabadong si Jacob worried kung kikita nga ang show chickened out. Dahil kasubuan na, Backroom, Inc. made a go for it. Luckily, panalo ang show, at saksi kami mismo kung paanong napuno ng hitad ang malaking venue na ‘yon.

Anyway, it’s just too bad that while Ai Ai seems to be basking in romantic glory ay siya namang sablay ang kanyang career. Her recent Star Cinema movie Past Tense literally yielded tension-causing box office figures, at eto ang kanyang supposed Valentine concert na “valentong” ang kinahinatnan!

But wait, dinig namin ay may inilulutong show daw ang GMA sa hitad para matabunan ang unlucky streak ng hitad. Till our next column.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …