Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Daniel, nagpaparinig daw kay Kathryn ‘pag gustong magparegalo

ni Alex Brosas

112714 Kathniel

NAKAKALOKA itong sina Kathryn Bernardo and Daniel Padilla. Hindi kasi nila masagot ng diretso kung paano nila i-celebrate ang Valentine’s Day.

“Balak talaga namin na…baka mag-promo kami. Hindi, ano muna, tapusin muna namin ito. After ng promo ay may dubbing pa, after niyon showing na. Pagkatapos niyon ay may block screening naman pero bigyan natin ng oras ‘yon. Sa ano na lang po, bago na po ang date ng Valentine’s Day, eh, 25th (the playdate of their movie) na ngayon,” say ni Daniel during the presscon of Crazy Beautiful You.

Ayaw din nilang sagutin kung ano ang gusto nilang ibigay sa isa’t isa na gift.

“Oo ‘yun nga. Bigyan ko naman daw siya (Kathryn) ng gift. Hindi naman (siya) nanghihingi. Rati kasi raw lagi ko siyang nabibigyan. Kaso ngayon hindi ko na nabibigyan. Nagipit ‘yung ano…,” say ni Daniel.

“Trabaho, puro kami work. Binibigyan ko naman siya ng pagkain. Lately ganoon,” dagdag ng binata.

Nang matanong naman si Kathryn kung ano ang gustong matanggap na regalo ni Daniel, sabi niya ay it’something ”na mga gusto ng lalaki.

“Ano siya, alam ko rin naman kahit paano like mahilig siya sa shades, anything instruments like synthesizers,” say ng dalaga.

Tulad ni Daniel, wala ring time si Kath na mamili ng gift kasi, ”may shooting kami everyday kaya wala ng time para bumili.”

“Puwede namang bumili kahit hindi Valentine’s Day, sa ibang araw,” say niya.

Nang matanong kung iyon nga ang gustong matanggap na regalo, Daniel said, ”Kasi po si Kathryn kapag kinakausap ko ang barkada ko ay nakikinig siya (kaya alam niya). Hindi naman ako nagpaparinig.”

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …