Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Shan Moreles, puwedeng itapat kay Sarah Geronimo

ni Letty G. Celi

021215 sarah geronimo

GRABE ang dating ng 16 year old at new face na dalagitang ito sa larangan ng musika at napaalsa ang puwet ko sa pagkaka-upo habang kumakanta at gumigiling ang magandang balakang sa ibabaw ng stage center ng Farmer’s Market. Galing kumanta. BirItera!

Ang pangalan ng magandang bagets ay si Shan Moreles. Palaban siya basta kantahan ang pinag-uusapan. Akalain ba ni Shan na magbubunga ng napakaganda ang pangarap at hilig niyang pagkanta?

Two years old pa lamang daw siya eh kumakanta na. Simula noon ay nakababad na siyang palagi sa videoke. Kasalanan ba niyang naging fan ni Sarah Geronimo? Heto ngayon at isa na siyang recording artist under RSR Music Recording Studio at mayroon nang album na naglalaman ng mga awiting Wagas at Totoo, Facebook, Can’t Live Without You, Ang Sabi Mo Sa Akin, at Puso’y Lito. Mga komposisyon ito ni Ariel Batausa.

Hindi raw niya expected na mapapabilis ang pagiging recording artist niya at lahat daw ng nangyayari sa kanya ay iniaalay sa kanyang pamilya especially all out ang support nila sa kanya. Basta ang gusto lang ng parents niya ay hindi pabayaan ang pag-aaral.

Graduating si Shan sa high school sa Yverdon de Pestallozzi School sa San Jose del Monte, Bulacan.

May isa pang pinagkakaabalahan si Shan, ang radio program sa DZME 1530, ang Showbiz Sabado, na co-host siya ni Direk Elmer de Vera at Edzel Cardil.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …