Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

‘Di kaguwapuhang look ni Jake, pinagpiyestahan

 

ni Ambet Nabus

020915 JAKE CUENCA

TAMA at bongga para sa amin ang ginawang sagot ni Jake Cuenca sa ilang pumintas at pumuna sa kanyang pisikal na anyo kamakailan.

Mayroon kasing intrimitidang girl na nag-post at sinabing nakita niya ang aktor sa isang pampublikong lugar at sinabing ordinary looking ito at mas guwapo pa umano ang bf niya (wow, sana nag-artista na lang bf niya hahaha!).

Sa ngayon kasi ay sporting with quite a long hair itong si Jake at medyo nga hindi pa niya naibabalik ang dating ‘body’ na talagang ikinalalaway ng marami hahaha!

Kumalat at pinagpiyestahan ng mga opinyon ang naturang ‘hindi kaguwapuhang look’ ni Jake, hanggang sa makarating ito sa mismong aktor na sumagot nga ng napaka-positibo.

Sey ni Jake sa post niya, ”I am what I am and I am not what I am not..seriously, always feel good about yourself don’t let other people/haters bring you down.”

Winner ang emtoe though may mahalagang mensahe ring ipinararating ang naturang insidente ‘di ba mareh?

Na tama lang na maramdamang, ‘you are what you are at feel good about yourself,’ pero dahil artista ka nga at laging expected sa inyo ang magmukhang artista in terms of looks and appearance (read: glamour and style), natural ding umasa ang paying public na makita ka ng maayos lalo na sa pampublikong lugar.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …