Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Anjo Yllana, humingi ng dispensa kay Kris

020915 jomari anjo yllana pnoy kris

00 fact sheet reggeeHUMINGI ng dispensa si Quezon City Councilor Anjo Yllana kay Kris Aquino sa mga post ng kapatid niyang si Jomari Yllana laban kay Presidente Noynoy Aquino.

Si Quezon City Mayor Herbert Bautista muna ang tinext ni Anjo na ipinasa naman ni HB kay Kris na naglalaman ng, ”Bernadette (tawag ni Herbert kay Kris), from Coun Anjo Yllana—Mayor ‘pag nakausap mo Kris, pakisabi pasensiya na kay Jom, napagalitan ko na rin. ‘Pag nakausap mo lang Boss hehehe. Thanks. Good day!”

Idinagdag din ng Kris TV/Aquino & Abunda Tonight host na nag-text din sa kanya ng personal si Anjo, ”truth is I always cared for you. Thank you Mare. If there’s anything…sorry and kaya n’yo ‘yan.”

Inamin ni Kris na magaan na ang pakiramdam niya ngayon dahil bukod kay Presidente Joseph Estrada na tumawag sa kanya tungkol sa ginawa ng anak na si Maria Jerika Ejercito ay humingi na rin ng pasensiya ang kuya ni Jomari.

Moving forward na si Kris lalo’t kaarawan niya sa Pebrero 14 at humingi raw siya ng bakasyon sa ABS-CBN dahil pupunta sila ng Japan kasama ang dalawang anak na sina Josh at Bimby.
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …