Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gerald, makikipagsabayan sa pagbirit sa All Of Me Valentines show

ni Pilar Mateo

020615 gerald santos

FINDING his own voice! Ito na nga ang nasa agenda ng balladeer na si Gerald Santos sa pangangalaga sa kanyang singing career.

Gaya ng gustong sabihin ng kanyang Kahit Ano’ng Mangyari all-original 4th studio album, hindi pa rin susuko ang binatang magse-celebrate na ng kanyang 10th year in the business.

May mga balita kasing kumalat na nag-a-apply si Gerald sa iba’t ibang estasyon sa ngayon.

“Freelance artist naman po ako. Kaya may times na nakikita ako sa guestings ko sa sari-saring networks. May times lang na nakakasunod-sunod ako sa isa. Pero kung mayroon namang talagang mag-aalaga at maniniwala sa kakayahan ko, maganda rin ‘yun.”

On February 13 and 14, 2015, makikipagsabayan si Gerald sa mga artist na magkakaroon ng kanilang Valentines shows in the metro.

“Ako naman po mas pinili ko to celebrate those two nights sa nga nagmamahal sa akin here sa Serendipity Lounge ng Discovery Suites na piano ang kasama ko at mga standard naman ang kakantahin ko. Michael Buble ang peg at sisiguruhin kong masisiyahan sila sa mga song na magiging treat ko sa kanila.”

Wala raw special date sa two nights na ‘yun ang nagsasabing sa career pa rin niya siya naka-focus.

Napanood namin ang latest MTV ni Gerald for his Sa ‘Yo Lang carrier single. At si Danita Paner ang napili niyang maging leading lady sa nasabing music video.

Ang sexy ng video na ginawa ni Migz Tanchangco na naglabas sa seksing abs ni Gerald. Na malamang eh, abangan ng mga tagahanga niya in his All of Me Valentines show na hatid ng Showbiz Mansion Entertainment with the help of Redlife Entertainment Productions and TS Productions.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …