Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jennylyn, excited na sa Oo na! Ako na Mag-isa! Samahan Nyo Naman Ako! concert

011015 Jennylyn Mercado

00 SHOWBIZ ms mPUSPUSAN na ang rehearsal ni Jennylyn Mercado para sa kanyang pre-Valentine concert sa Feb. 13 na may titulong Oo Na! Ako na Mag-isa! Samahan Nyo Naman Ako! na gaganapin sa SM Skydome, 7:00 p.m..

Ani Jen, tiyak na mag-eenjoy ang sinumang manonood ng kanyang konsiyerto na ididirehe ni Calvin Neria.

Ang concert ay hinati sa dalawang parte. Ang unang parte ay magtatampok kay Jen bilang si Tere, ang character na ginampanan niya sa English Only Please habnag naglalakad patungo sa music bar at makikitang nasa isang lamesa na lamang siya habang nagsi-share ng kanyang saloobin ukol sa pag-ibig na dadaanin sa magagandang awitin.

Ipakikita rito ni Jen ang kanyang acting at comedic skills at patutunayang deserve niya ang pagkapanalo ng Best Actres award sa nakaraang Metro Manila Film Festival awards night.

Sa second part naman, Jen appears as herself as she shows her versatility through more song and dance numbers.

Makakasama ni Jen para magbigay kasiyahan sa concert ang co-star niya sa English Only Please na sina Kean Cipriano, Cai Cortez, Jerald Napoles, at ang leading man niyang si Derek Ramsay. Ang iba pang special guests ay sina Gloc 9, Nico Antonio, G Force, at ang mga ex-boyfriend niyang sina Mark Herras at Dennis Trillo.

Ang concert ay siya ring victory bash ni Jen matapos manalo ng Best Actress sa MMFF bukod pa sa pagdiriwang ng Valentine’s Day.

Ayon kay Jen, excited siya dahil fist time niyang makakatrabaho ang musical director niyang si Louie Ocampo. “Louie has worked with some of the best singers and concert artists in the industry. It’s an honor to share the stage with him, feel na feel ko talaga ang pagiging concert artist.”

At para rin kay Louie, he’s as much excited because he wants to see how far she can push herself vocally. “I’ve heard her sing, and I know that she can more than carry a tune. She’s capable of doing great things onstage, and I’m privileged to be the one that helps her find her voice as a singer,” ani Louie.

Oo Na! Ako Na Mag-Isa! Samahan N’yo Naman Ako! The Jennylyn Mercado Valentine Concert is presented by GMA Network in cooperation with SM North Skydome, Becky Aguila Entertainment and Marketing Services, Quantum Music, Tuko Film Productions Inc. and MJM Productions with the support of Belo Medical Group, Tanduay, FX Creations and ZH&K Mobile. Tickets are available at SM Tickets Outlet.

ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …