Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kumikinang na finale ng “Wansapanataym” nina Julia at Iñigo ngayong Linggo na

 

020615 Julia Barretto Iñigo Pascual

00 vongga chika peterHalaga ng pagiging mabuti sa kapwa ang huling aral na ibabahagi nina Julia Barretto at Iñigo Pascual sa ‘The Sparkling Finale’ ng “Wansapanataym Presents Wish Upon A Lusis” ngayong Linggo (Pebrero 8). Sa pagkawala ng isa sa kanyang mga magic lusis na may kapangyarihang tuparin ang anumang hiling, magdedesisyon si Joy (Julia) na isakripisyo ang kanyang natitirang kahilingan para ibigay na lamang ito sa nagnakaw na si Minerva (Susan Africa). Matutupad pa kaya ang kahilingan ni Joy na magkaroon ng sariling pamilya ngayong ubos na ang mga magic lusis? Ano nga ba ang sikretong matutuklasan ni JP (Iñigo) na magdadala ng malaking pagbabago sa buhay ni Joy? Tampok din sa “Wansapanataym Presents Wish Upon A Lusis” sina Perla Bautista, Bobby Andrews, Miguel Vergara, Eunice Lagusad, Kazumi Porquez, Daisy Reyes, at Ana Roces. Ito ay sa ilalim ng panulat ni Joel Mercado at direksyon nina Manny Palo at Rahyan Carlos. Ang original story book ng batang Pinoy na “Wansapanataym” ay sa ilalim ng produksyon ng Dreamscape Entertainment Television, ang grupong may likha ng mga de-kalibre at top-rating TV masterpiece gaya ng “Walang Hanggan,” “Ina, Kapatid, Anak,” “Juan dela Cruz,” at “Ikaw Lamang.” Huwag palampasin ang huling linggo ng “Wansapanataym” special nina Julia at Iñigo ngayong Linggo, sa ganap na 6:45 ng gabi pagkatapos ng “Goin’ Bulilit” sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter. Saman- tala, maaari na ring panoorin ang full episodes o past episodes ng “Wansapanataym” gamit ang ABS-CBNmobile. Pumunta lamang sa www.abscbnmobile.com para sa karagdagang impormasyon.

 

ni Peter Ledesma

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …