Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pelikula nina Angelica at JM para sa mga broken hearted palabas na

020415 Angelica JM Antoniette Jadaone

00 vongga chika peterKAHIT hindi si JM de Guzman ang first choice para makapareha ni Angelica Panganiban sa ultimate hugot movie of the year na “That Thing Called Tadhana” ng Cinema One Orginals na release ng Star Cinema, perfect at fitted ang character niya sa movie bilang si Anthony na laging nakasuporta sa gaya niyang sawi sa pag-ibig na si Mace na ginagampanan naman ni Angelica.

May chemistry ang dalawa at kitang-kita ito sa movie na palabas na simula sa araw na ito, February 4, over 100 theaters nationwide. Parehong magaling na artista sina Angelica at JM na kayang gampanan ang kahit na anong role ang ibigay sa kanila. Sa katunayan nakadalawang Best Actress award ang nasabing aktres sa proyekto nila ni JM at naka-tie pa ang ating Superstar na si Nora Aunor sa Gawad Tanglaw.

Una siyang ginawaran sa Cinema One Ori-ginals Film Festival at nanguna rin ang pelikula nila sa mga pinilihan sa takilya. Mataray din ang themesong ng “That Thing Called Tadhana” na “Where Do Broken Hearts Go,” ni late Whitney Houston na ang director mismo na si Antoiette Jadaone ang pumili.

Para sa lahat ng mga broken hearted dapat panoorin ninyo ang pelikula para makakuha kayo ng ilang tips kina Mace at Anthony sa mga dapat gawin para makapag-move on na sa inyong mga ex. At dahil pre-Valentine treat ito ng dalawa ay pakikiligin nila ang moviegoers sa mga hugot na eksena sa “That Thing Called Tadhana.”

Matagumpay na binudburan ang pelikula ng Pinoy na Pinoy na panlasa ng director at manunulat na si Jadaone na siya rin nagdirehe ng “Beauty In A Bottle” na pinagbidahan rin ni Angelica at launching movie ni Iñigo Pascual na “Relaks It’s Just Pag-ibig.” Feel na feel naman nina Angelica at JM ang tema ng bagong movie na umiikot sa tanong na: “where do broken hearts go?”

Matatandaang galing sa magkaibang hiwalayan ang dalawa, si Angelica kay Derek Ramsay at JM naman kay Jessy Mendiola. Mapapanood sa “That Thing Called Tadhana” ang hindi inaasahang pagtatagpo ng landas nina Mace at Anthony. Parehong bitter at sawi sa pag-ibig ang dalawa nang magkakilala sa paliparan ng Europa. Magkakapalagayan sila ng loob at sabay silang pupunta sa Maynila, Baguio at Sagada para hanapin ang sagot at tatangkain nilang itaas ang level ng kanilang friendship at paghilumin ang puso ng isa’t isa. Bagay ang istorya sa mga bitter sa pag-ibig na naghahanap ng sagot para maka-move on sa mga naghahanap ng tunay na pag-ibig. Nakatutuwa ang mga eksena habang hinahanap nina Mace at Anthony ang kanilang nawawalang puso sa pag-asang hihilom ito. Lasapin ang matamis-mapait na romantic-comedy film. Saan nga ba pumupunta ang sawing mga puso?

Para malaman ang sagot, watch mo ang movie ito gyud!

ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …