Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Payo ni Nash sa mga kabataan sa seryeng “Bagito” mag-ingat sa tukso

111714 Nash alexa ella

00 vongga chika peterPersonal na isinusulong ng “Bagito” lead star na si Nash Aguas ang kahalagahan ng tamang paggabay sa mga kapwa niya kabataan at umaasa siya na sa pamamagitan ng online forum nila na “Bagito Hangout” ay makatutulong ang kanilang programa sa mga batang manonood. “Para sa mga kabataang gaya ko na mas madalas nakatutok sa Internet at social media, malaking bagay na may “Bagito Hangout” na puwedeng lapitan at hingan ng payo. Dahil sa panahon namin ngayon marami nang tukso at masasamang impluwensiya na posibleng ikasira ng aming buhay,” pahayag ni Nash kaugnay ng online forum na bukas din para sa mga magulang na nag-aalala sa kapakanan ng kanilang mga anak.

Ang “Bagito Hangout” ay inilunsad na online forum ng ABS-CBN at Center for Family Ministries (CeFaM) bilang tugon sa mga manonood na nangangailangan ng gabay kaugnay ng iba’t ibang problema sa pamilya, paki-kipagkaibigan, at pag-ibig. Maaaring magpadala ng mga katanungan ang viewers sa mga counselor ng CeFaM sa http://bagito.abs-cbn.com/hangout tuwing Lunes hanggang Bi-yernes, mula 6:30PM-7:30PM.

Huwag palampasin ang mga kapana-panabik na tagpo sa teleseryeng magmumulat sa isip at puso ng mga kabataan, “Bagito,” gabi-gabi, bago mag-”TV Patrol” sa ABS-CBN Primetime Bida. Para sa karagdagang impormasyon kaugnay ng “Bagito,” bisitahin ang official social networking sites ng Dreamscape sa Twitter.com/ DreamscapePH at Instagram.com/DreamscapePH.

Maaari na rin panoorin ang full episodes o past episodes ng “Bagito” gamit ang ABS-CBNmobile. Pumunta lamang sa www.abscbnmobile.com para sa karagdagang impormas-yon.

 

ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …