Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angel, ‘di pa limot ang dating BF na si Miko Sotto

010715 Miko Sotto angel locsin

00 fact sheet reggeeHINDI pa rin totally nakalilimutan ni Angel Locsin ang unang lalaking nagpatibok ng puso niya, ang namayapang si Miko Sotto.

Nag-post kasi si Angel sa kanyang Instagram account hatinggabi ng Martes para sa 11th death anniversary ni Miko.

Ayon sa post ng aktres na may kuha ng tatlong nakasinding kandila ay may caption na hango sa pilantropong si Rose Kennedy, “it has been said, ‘time heals all wounds.’ I do not agree, the wounds remain, in time, the mind, protecting its sanity, covers them with scar tissue and the pain lessens but it is never gone.

“Today is the 11th year death-niversary of Miko Sotto, sa mga nakaalala, salamat po.”

Kanya-kanyang komento naman ng netizens sa pag-post na ito ni Angel na kung ano raw ba ang magiging reaction ng soon to be husband niyang si Luis Manzano?

Sa tingin namin ay hindi big issue kay Luis ang ipinost ni Angel bilang paggunita sa namayapang karelasyon dahil unang-una ay wala na si Miko, so ano pa ang dapat ipagselos o ipangamba ng TV host/actor? Hindi kaya nakatatawa naman na magselos ang binata sa isang patay?

‘DI IIWAN ANG KAPAMILYA NETWORK

Sa kabilang banda, tungkol naman sa walang kamatayang tanong sa amin kung totoong babalik ng GMA 7 si Angel ay kami na ang magsasabing hindi. May dalawang pelikulang gagawin si Angel sa Star Cinema na ipalalabas sa Mayo at Disyembre 2015.

Marahil ay may gumagawa lang ng ingay dahil nga mag-e-expire na ang kontrata ni Angel sa Star Cinema sa Abril 2015.

At dahil nga sa dalawang pelikulang gagawin ng aktres ay paano niya iiwan ang Kapamilya Network?

 

ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …