Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kinatawan sa Miss Asean 2014, dating 26K girl

 

ni Roldan Castro

122814 ferina

ISANG dating Maleta Girl o tinatawag na 26k ng Deal or No Deal ang kinatawan ng Pilipinas sa Miss Asean 2014 na ginaganap sa kasalukuyan sa Chang Rai, Thailand (December 25 to 30). Siya ay si Ferina Juny-Ann Pascioilco Carpio, 23, at Masscom graduate ng Assumption College San Lorenzo. Nag-train din siya sa Kagandahang Flores (KF) ni Rodgil Flores kaya handa na siya sa international competition.

Sa Bangkok na siya nag-Pasko dahil sa competition pero bago siya umalis ay tiniyak niyang nagsama-sama sila ng family niya.

Ipo-promote raw ni Ferina ang kagandahan ng Pilipinas sa mga kapwa niya kandidata sa Miss Asean 2014.

“There’s so much to explore in our country, so many things to see and experience. I’ll prove them that it’s really more fun in the Philippines,” deklara niya.

“It will be a big honor and challenge for me to represent the Philippines. The pressure wil be there but I have the courage and experiences that I had gained these past years. I am also lucky that I have the full support of my parents and friends,” dagdag pa niya.

Posibleng balikan ni Ferina ang showbiz at umarte pagkatapos ng Miss Asean. Tinanong siya kung sinong akor ang crush niya?

“Piolo (Pacual),” mabilis niyang sagot sa kanyang press send-off party sa Luxent Hotel.

Hindi naman daw matatawaran ang kaguwapuhan niya at confidence na taglay ni Papa P. Tinanong din kung may boyfriend si Ferina pero tahasan niyang sinabi na exclusively dating siya.

Ayon sa national director of the Miss ASEAN Philippines beauty contest at President ng Megastar Productions na si Ovette Ricalde, ang Miss Asean beauty pageant lang ang contest na pumapayag na dalawa ang representative ng bawat bansa. Kaya kasama ni Ferina si Guillen Diaz, 18, isang Tourism student.

Goodluck girls!

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …