Monday , December 23 2024

Atty. Acosta, ‘di nagpabayad sa Maratabat

ni Roldan Castro

081814 persida acosta

MAY cameo role ang Public Attorney’s Office (PAO) Chief na si Atty. Persida Acosta sa pelikulang Maratabat . Gumanap siya bilang hukom. Hindi raw siya tumanggap ng TF sa naturang pelikula.

“Para makatulong lang ako. It’s part of my public service and advocacy, for the rule of law, peace and truth in our country,” deklara niya.

Puwede pang masundan ito dahil papayag daw si Chief Acosta sa susunod ay isang full-length movie naman ang ibibigay sa kanya.

“Aba, puwede! Bakit hindi,” sambit niya sabay tawa.

Samantala, isa sa mga kasong hawak ngayon ni Atty. Acosta ay ang case ni First Class Cadet Aldrin Jeff Cudia, ang kontrobersiyal na kadete na hindi pina-graduate sa PMA dahil na-late ito ng dalawang minuto sa kanyang klase.

Ano na ang update kay Cadet Cudia?

“Gusto niya siyempre maka-move on na siya. Tapos magkaroon na siya ng hustisya kasi biktima siya ng sistema na mali. Kumbaga mahuli ka lang ng dalawang minuto, kakasuhan ka na? Tapos papatungan ka pa ng lying kumbaga. So, parang napaka-unfair sa kaninoman na kagaya niya na isang anak ng isang pangkaraniwang Filipino na naghahangad ng edukasyon at nasa Konstitusyon ng Right to Education ‘yun. Kahit sinuman sa atin hindi natin mararating ang kinaroroonan natin kung hindi tayo nakapag-aral sa paaralan. Parang inalis mo na sa kanya ‘yung pagkatao niya,” deklara ni Atty Acosta.

“Dapat number one siya sa Navy and then number two siya sa buong rank, lahat! At tsaka napakaraming scholarships at awards ang tinanggap niya.

“Sana siya ay, I think second lieutenant sana ang ranggo niya ngayon,” sey pa niya.

Naniniwala rin na may ‘politika’ umano sa nangyari kay Cadet Cudia.

So, hanggang kailan ang laban nila ni Cadet Cudia?

“Submitted na for resolution, pina-submit na namin kaya nga humihingi kami ng tulong sa media pati sa entertainment press na kumbaga katukin ang Supreme Court na, ‘Desisyonan n’yo na!’Para alam na rin ni Cadet Cudia kung tuluyan na siyang pinatay, tuluyan siyang makukulong sa tatlong letrang LIE pero hindi naman dapat. Walang pagsisinungaling doon, eh.

“Kahit naman noong tayo ay estudyante ‘pag hindi tayo dinismis ng teacher sa class mahuhuli na tayo sa next period talaga. Pero ‘yung teacher hindi nagagalit sa atin dahil normal lang ‘yun lalo na kung lilipat ka ng building, malayo, aakyat ka pa ng another floor o kaya inutusan ka ng teacher na kung anumang gawin pa man.

“What is two minutes naman doon,” sambit pa ni Atty. Persida.

 

 

 

 

About hataw tabloid

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *