Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ronnie, nagdaos ng concert sa Leyte para makapagpatayo ng school

122814 ronnie liang

00 fact sheet reggeeNAGPAPASALAMAT ang mga taga-Leyte dahil sa kabila ng mga nangyaring sakuna sa kanila ay napasaya sila ni Ronnie Liang nang nagkaroon ng concert for a cause at gift giving noong Disyembre 21-22.

Ang nasabing concert for a cause ay para sa pagpapatayo ng school building sa Southern Leyte at pagkatapos ay namahagi rin daw ng mga pagkain para sa mga batang mahihirap at mga naging biktima ng nasabing bagyo.

Kuwento ng kaanak ng aming kasama sa bahay, tuwang-tuwa ang mga kababayan nila kay Ronnie dahil napaka-accommodating daw at hindi suplado.

Nang i-text namin si Ronnie tungkol dito, nasabi nitong sobra siyang nagpapasalamat dahil naging bahagi siya sa concert for a cause na ito dahil gusto rin niyang mag-share ng blessings para sa mga kababayang biktima ng bagyong Yolanda at Ruby.

“Our God given talent are meant to benefit others,” post ni Ronnie sa kanyang Facebook.

As of now ay abala pa rin si Ronnie sa promo ng kanyang album na Songs of Love mula sa Universal Records at masaya ring ibinalita ng singer/actor na mapapanood na nationwide sa piling sinehan ang indi film niyang Esoterika Maynila mula sa direksiyon ni Elwood Perez sa Enero 2015.

At sa bahay nila sa Angeles nagdiwang ng Pasko si Ronnie kasama ang buong pamilya lalo’t kamakailan lang ay na-ospital ang kanyang ina dahil sa maling diagnose ng doktor.

At ang hiling ni Ronnie sa 2015, “better career, more projects, a healthy body. And sana wala ng masyadong bagyong tumama rito sa atin sa Pilipinas.”

 

ni Reggee Bonoan

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …