Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Vicky Morales, nagsayaw sa Obando para magka-anak

ni Timmy Basil

122814 vicky morales

NAGBA-BAKASYON ngayon sa America ang magaling na broadcast Journalist na si Vicky Morales kasama ang kanyang pamilya. Roon na sila magpa-Pasko pero one day bago siya umalis ay nakipagtsikahan pa siya sa mga PMPC members na pinuntahan siya sa GMA Annex.

Hindi na nagpakanta si Vicky, kumustahan lang, tsika-tsika, picture-picture.

Lahat kami ay nakasuot ng green maliban kay Rommel Placente na hinubad ang green carolling uniform at inilagay sa may upuan. Madalas kasi ay ipinapatong lang namin ang uniform dahil nga mahirap matuyo.

During group picture, nakita ni Vicky ang uniporme ni Rommel at buong ningning niyang isinuot at masayang nakipag-piktyuran.

After nng kodakan ay hinubad na ni Vicky ang uniporme ni Rommel.

Nalokah si Rommel at medyo nag-alala sa kanyang uniporme. Inamoy-amoy niya ang kanyang uniporme. “In fairness friend, mabango naman ang uniporme ko, bagong laba kaya confident ako,” sabi pa ni Rommel.

Anyway, isa si Vicky sa mga TV personality na malapit sa press.

Taon-taon siyang kina-karolingan ng PMPC. Nag-umpisa ito noong wala pa silang anak ni Atty. Reyno, hanggang sa dinatnan namin siya sa bahay nila sa Forbes Park na buntis, and then the next year may anak na (si Pipo) hanggang sa magkaroon ng kambal. Umabot ng kung ilang taon bago nagkaanak si Vicky at naranasan ni Vicky ang sumayaw sa Obando para lang magkaanak at binigyan nga sila ng anak hindi lang isa, may kambal pa.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …