Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kris, ‘di napigilang mangialam sa shooting ng Praybeyt Benjamin

ni Alex Brosas

IBINUKING ni Vice Ganda na nakialam si Kris Aquino during the shooting of The Amazing Praybeyt Benjamin.

“Kahapon nandoroon siya. Behave lang naman siya sa shooting pero noong una nangingialam talaga siya,” chika ni Vice.

“Kasi mahirap ‘yung ipinagawa kay Bimby, na kahit ako rin, naawa ako sa bagets. Kasi, pinag-Chinese siya. Lahat ng linya niya puro Chinese. Eh, ‘yung bata, hindi rin handa. So, mayroon Chinese instructor na ibinibigay kay Bimby, ‘yung mga linya niya na Chinese. Tapos, si Kris ‘yung papalit siya ng papalit (ng dayalog). ‘Huwag ‘yan, ‘yung mas maigsi pa.’ tapos babaguhin niyong instructor. ‘Hindi ‘yan, ‘yung mas simple pa’ kaya naloloka ‘yung Chinese instructor. ‘Pag hindi pa rin masabi ni Bimby, ‘Huwag ‘yan, Tagalog na lang.’ Ang ending, nag-Tagalog na lang si Bimby. At saka masaya ‘pag nandoon si Kris kasi ang daming food. Tapos, mabilis kaming nagtatrabaho kasi ‘yung oras tingin siya ng tingin sa relo. Lagi siyang nagbabantay sa set ‘pag wala siyang shooting,” kuwento ni Vice Ganda.

Pero nae-enjoy ni Kris na tinatratong parang ordinary boy ang kanyang anak.

“Tuwang-tuwa si Kris kapag napaglalaruan si Bimby, ‘pag tinatratong pangkaraniwan lang. Dito sa pelikula ay napaglaruan namin si Bimby tapos tuwang-tuwa si Kris. Siya ‘yung excited na mag-post lagi ng pictures,” dagdag pa ni Vice Ganda.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …