Monday , November 18 2024

Ejay, flattered na gaganap bilang bilanggong nakatakas sa kasagsagan ng Yolanda

ni Pilar Mateo

090214 ejay falcon

AND life sprang!

Sa muling paggunita o pag-alala sa mga iniwang tagpo ng bagyong Yolanda, isang tunay na istorya ang ibabahagi ng MMK (Maalaala Mo Kaya) ngayong Sabado, Nobyembre 15 sa mga tagapagtangkilik nito.

Sa kabila ng napakaraming makadurog-pusong istorya ng bawat Filipinong hinampas ng nasabing kalamidad, nangibabaw ang kuwento tungkol sa mga presong nakalabas ng piitan dahil sa pagbagsak ng pader ng kanilang kinalalagyan sa lakas ng bagyo.

Ang katauhan ng inmate na si Jomar (hindi niya tunay na pangalan) ang naibahagi ng jail warden sa writer at researcher ng MMK na tumungo ng Tacloban para sa makakapagbigay-inspirasyong istorya para sa buong sambayanan.

Si Ejay Falcon ang naisip ni direk Garry Fernando sampu ng kanyang staff na nagsabing ito rin ang nakakahawig ng nagbigay ng kanyang istorya para sa episode na mapapanood ngayong Sabado, pati na ang gumanap sa katauhan ng ina nito na si Sharmaine Arnaiz.

Napanood namin ang trailer ng nasabing episode at doon pa lang eh, naiyak na kami sa pagma-mount ng mga eksenang nilulunod na ng malalaking alon ang mga mahal sa buhay ni Jomar.

Nang pumayapa ang bagyo, isa si Jomar sa sumuko at nagbalik sa kulungan at ginawa pa rin ang nararapat.

Very flattered si Ejay na ipinagkatiwala sa kanya ang mapaghamong papel.

“Nakita ko ang sarili ko kay Jomar. Kung paano niyang minahal ang pamilya niya. Kaya ang laki ng naitulong niyon sa pinaghugutan ko ng emosyon para sa kinailangan kong gawin sa mga eksena.”

Apat na araw ang ginugol ng cast na kinabibilangan din nina Lito Pimentel, Art Acuña, Boom Labrusca, Erin Ocampo, Casey da Silva, Veyda Inoval, Patricia Coma, Angelou Adlao Alayao, Jhiz Deocareza, Sofia Millares, Althea Guanzon, Gerard Acao and Michael Roy Jornales sa pagsalang sa mga eksena ng katotohanang inulit para maramdaman ang dinaanan ni Jomar at kanyang pamilya at mga kasama sa lupit ni Yolanda.

Mahigit dalawang dekada na tayong pinaiiyak at pinatatawa ng mga istoryang sumasalamin sa buhay ng bawat isa na sabi nga ng creative manager nitong si Mel Mendoza del Rosario eh, tila higit pa sa dalawang dekada ang ramdam natin sa inihahatid ng nasabing programa sa ating bawat tahanan.

It’s Ejay’s turn para paiyakin tayo at kurutin ang himaymay ng ating laman at puso sa itatawid niyang katauhan sa MMK!

 

About hataw tabloid

Check Also

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Gerald pinakamabait sa naging asawa ni Ai Ai

HATAWANni Ed de Leon KUNG si Ai Ai delas Alas ay benggador, ang kailangan lang niyang gawin …

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *