Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pinay Beauty Queen Academy Season-1 sa GMA News TV

110814 pinay beauty

ISANG reality TV show ang tamang-tama sa mga gustong maging beauty queen, ito ay ang Pinay Beauty Queen Academy na mapapanood tuwing Sabado, 9:45-10:45 p.m. sa GMA News TV.

Ang reality show ay ukol sa tunay na drama, challenges, at intriga para maging isang beauty queen. Ang beauty queen at singer na si Ali Forbes ang host nito kasama si Joy Viado.

Mentor naman ang mga dating beauty queen na sina Evangeline Pascual, Maria Isabel Lopez, Joyce Ann Burton, at Lara Quigaman.

Sa nakaraang five episodes, 20 kandidata ang humarap sa mabibigat na hamon tulad ng duckwalk sa putikan, catwalk sa mataas na hanging bridge, rappelling, military drills, at iba pang makapigil-hiningang challenges.

At ngayong Sabado, ang mga kandidata ay haharap naman sa mas nakatatakot na hamon—ang pagzi-zipline sabay sagot sa Question and Answer pagbaba ng zipline. Unang suspensiyon din (temporary elimination) ng mga kandidatang hindi nakasabay sa mga standard ng Academy sa Episode 6.

Abangan ang nakatutuwa at nakaiintrigang palabas na ito ngayong Sabado, 9.45 p.m. sa GMA News TV.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …