Monday , November 18 2024

Libingan nina Julie Vega at Alfie Anido, marami pa ring fans na dumalaw

ni Ed de Leon

110614  Julie Vega Alfie Anido

HINDI lang iyong kanilang mga libingan, napansin namin sa aming pagdaan sa Roxas Boulevard ng ilang araw na laging may mga bulaklak sa monumento ng hari ng pelikulang Filipino na si Fernando Poe Jr., na naroroon lamang sa may harap ng US Embassy at doon din naman sa monumento ni Mang Dolphy na nasa harap ng Museong Pambata.

Palagay namin, hindi mga kaanak nila kundi fans ang naglagay ng mga bulaklak na iyon at nailagay iyon doon dahil sa pagdiriwang ng todos los santos, kung kailan inaalala natin ang lahat ng mga yumao nating mga kaanak, kaibigan, at kakilala.

Ang madalas nga ring kuwento sa amin kung napapasyal kami sa Loyola sa Marikina, marami pa rin daw dumadalaw sa libingan ni Darling Postigo, o mas lalong kilala bilang si Julie Vega. Marami pa rin daw ang nag-aalay ng bulaklak at nagtitirik ng kandila kahit na hindi todos los santos.

Kahit na mahigit na apat na dekada na siyang yumao, sinasabi nga nilang hindi pa rin nakalilimot ang fans ni Alfie Anido, na patuloy na dumaraan sa kanyang libingan upang mag-alay ng panalangin, kahit na karamihan sa kanila ay may mga edad na rin ngayon. Aba, iyong mga teenager noon na tumitili kay Alfie sa mga sinehan, malapit na ring maging senior citizens ngayon.

Isa pang sinasabi nilang dinarayo ng fans hanggang ngayon ang libingan, kahit na nga medyo mahigpit ang security roon sa libingang pinaglibingan sa kanya ay ang action star na si Rudy Fernandez. Para kasi sa marami, si Rudy lamang ang pangalawa ni FPJ at wala ng iba.

Isa pang sinasabi nilang dinarayo ng fans ay ang libingan ng tunay na reyna ng intriga, ang nagsimula ng lahat ng showbiz talk shows na si Inday Badiday. Sino nga ba ang makalilimot kay Ate Luds na hindi naman puro tsismis kundi mas maraming ginawang public service?

Sino naman ang makalilimot sa magagandang pelikulang ginawa at nai-produce ng aktres at producer na si Mina Aragon? Bagamat noong bandang huli ay naging pribado na ang kanyang buhay bilang isang producer, sino nga ba sa mga taga-showbusiness ang makalilimot sa kanya.

Ganoon din naman ang premyadong actor at director na sina Leroy Salvador, Pablo Santiago at marami pang iba na gumawa ng maraming mahuhusay na pelikulang nagustuhan natin.

Ipanalangin na lamang natin sila sa panahong ito ng undas.

 

About hataw tabloid

Check Also

MTRCB Tara, Nood Tayo Lala Sotto

MTRCB, PCO, PIA, at OES nagkasundo sa pagsusulong ng Responsableng Panonood

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio ILULUNSAD ng ilunsad ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) …

Edu Manzano Shaina Magdayao Kim Atienza

Batas vs piracy paigtingin, Pinoy nahaharap sa matinding panganib (Edu, Kuya Kim, Shaina nagpahayag ng suporta)

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MAS mataas ang mga cyberthreat na haharapin ng mga Filipino …

Tom Rodriguez

Tom walang issue ang pagkakaroon ng anak

HATAWANni Ed de Leon INAMIN na ni Tom Rodriguez na may anak na siyang lalaki na apat …

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Gerald pinakamabait sa naging asawa ni Ai Ai

HATAWANni Ed de Leon KUNG si Ai Ai delas Alas ay benggador, ang kailangan lang niyang gawin …

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *