Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Moron 5.2, tiyak na papatok!

110514 Moron 5 2

00 SHOWBIZ ms mTAMA ang tinuran nina Luis Manzano, Billy Crawford, Marvin Agustin, DJ Durano, atMatteo Guidicelli gayundin ng direktor na si Wenn Deramas na mas maganda ang Moron 5.2ngayon. Paano’y kuwela talaga ang pelikulang ito.

Wala ngang tigil sa katatawa ang mga tao sa premiere night ng Moron 5.2 na ginanap sa SM Megamall. Bagay talaga sa lima ang role na tanga na animo’y hindi umaarte at natural na natural. Kahit kami’y hagalpak sa katatawa dahil nakatutuwa naman talaga ang pelikula. Nakatitiyak kaming papatok ang pelikulang ito.

Nakatatawa ang mga batuhan ng dayalog ng limang bida na para lang silang nag-uusap ng wala sa camera dahil hinahaluan nila ng mga pangyayari sa kanilang buhay. Pinagtrip-an sa punch line ang pagkakakulong ni Billy at hagalpakan talaga ang mga tao. Gayundin ang mga personal nilang buhay tulad ng kay Matteo kay Sarah Geronimo at Mommy Divine.

Pero naawa kami sa tinuran nila kay Matteo na kapag hindi raw pumatok ang Moron 5.2ngayon, ito ang sisisihin dahil ibig sabihin, ito ang malas dahil super hit nga naman ang part 1 ng pelikulang ito.

Kung gusto n’yong maaliw, tamang-tama ang pelikulang ito. Kaya watch na kayo this Wednesday.

 

ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …