Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Wannabe actor, nagbubuhay marangya dahil kay designer

BILANG sa daliri ang project ng wannabe actor dahil ilang beses na siyang binigyan ng leading man role pero wala namang pagbabago sa acting, puro lang pagpapa-cute ang alam.

Pero nagugulat ang mga nakakakilala sa wannabe actor dahil nabibili raw nito ang mga gusto niya sa buhay at nag-aabot pa sa pamilya dahil hindi naman sila mayaman.

“Mabuti na lang may hitsura siya, hindi mo masasabing guwapo talaga o malakas ang appeal, may hitsura lang, mabait naman, pero hanggang doon lang,” sabi sa amin ng nakaaalam ng buhay ng wannabe actor.

Nalaman namin ang sikreto ni wannabe actor Ateng Maricris, boylet pala siya ng kilalang designer sa showbiz.

“Matagal na sila ni (kilalang designer), ipinakilala siya ng common friends nila sa showbiz kaya hayun, happy ending sila,” tsika sa amin ng non-showbiz friend namin na may koneksyon sa mga designer.

Sabagay, noong ipakilala palang sa entertainment media ang wannabe actor ay napansin na naming hindi ito sisikat at nakikita rin naming parating nakabuntot sa mga kilalang personalidad sa showbiz para siguro mapansin siya, eh, hayan napansin naman talaga.

Sana lang hindi lokohin ni wannabe actor ang kilalang designer kasi mabait naman daw ito at higit sa lahat, super-mega-rich dahil hindi mabilang ang hermes na bag sa tuwing may event na pinupuntahan.

Actually, bagay sina wannabe actor at kilalang designer Ateng Maricris, halos pareho sila ng height at kutis na makinis.

Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …