Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pilipinas Got Talent, ibabalik na

090814 Pilipinas Got Talent

00 fact sheet reggeeKAILAN nga ba ibabalik ang Pilipinas Got Talent?

Kaya namin ito naitanong ay dahil maraming nagtatanong sa amin kung may plano pa raw bang ibalik ang nasabing reality talent show.

Itong mga nagtatanong sa amin ay hindi ang pagkanta ang talent nila kaya siguro mas type nila angPGT kaysa The Voice at Pinoy Big Brother na open na for audition.

Oo nga naman, maraming nakaka-miss na sa tandem nina Mr. Freddie M. Garcia o FMG, Ai Ai de las Alas, at Kris Aquino.

Nagtanong kami sa TV executive na in-charge sa PGT pero hindi kami sinagot.

Sabi naman ng taga-production ay, “baka po next year kasi nagbi-brainstorming na ang mga staff for the audition, ‘am not sure lang kung anong quarter ipapasok. Marami na rin pong inquiries na natatanggap kung kailan ang ‘PGT’, actually.”

In fairness, masaya kasi ang PGT lalo na kapag kakaiba ang talent ng mga nag-audition na naging katawa-tawa dahil na rin sa kagustuhan ng may katawan.

‘Yun nga lang, halos lahat ng grand winner ng apat na season ng PGT ay pawang singers ang nanalo tulad nina Jovit Baldivino, Marcelito Pomoy, Maasinhon Trio, at si Roel Manlangit.

Parang The Voice rin lang ang peg, ‘di ba?

ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …