Hindi namin malalamang kailangang tanggalin ang malaking bukol sa may likod nang i-check ni Dr. Juan P. Sanchez, Jr. kilalang plastic surgeon na na-feature pa sa CNN dahil sa kanyang mobile hospital na naggagamot ng libre sa mga nangangailangan.
Paliwanag sa amin ni Dr. Sanchez, kailangang operahan na ito kaagad para hindi na lumaki at tiniyak naman niyang benign ito ng 99.5% kaya nakahinga kami ng maluwag. ‘Yun nga lang, maraming preparasyon ang kailangang gawin at pinagbawalan na kaming kumain ng baboy or any fatty foods at dito kami nagulat, umiwas din daw kami sa prutas dahil ang prutas ay mataas ang calories at sugar. Kaloka, akala namin ay safe ang prutas.
Magkasunod na taon ng panata ito ni Papa Ahwel bilang birthday celebration niya na imbes na magpa-party ay nagsasagawa siya ng Medical Mission mula sa Rotary Club of San Francisco del Monte na miyembro si Dr. Juan kasama ang Clinica Manila staff niya at kung saan din siya konektado, tumulong din ang Forma.ph online shopping para sa give aways.
Sinuportahan din si Papa Ahwel ng kasamahan niyang si Julius Babao na nakiisa rin sa nasabing medical mission na ginanap sa Dong Juan Restaurant sa may 72 Mother Ignacia, Quezon City.
At higit sa lahat, nagbigay aliw naman ang The Voice Kid finalist na si Earl na ang raket ay kumakanta sa Kasal, Birthday, at Libing o KBL. Kasama rin ang American Idol finalist na si Vanessa Quillao na isa sa mga araw na ito ay Star Records recording artist na.
Kaya sana Papa Ahwel lagi kang gagabayan at biyayaan ng ating Panginoong Diyos para lagi kang may mai-share sa mga kasamahan mo sa hanapbuhay.
ni Reggee Bonoan