Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bea at Maricar, pinagtatawanan ang kanilang tarayan at awayan sa Sana Bukas Pa Ang Kahapon

082114 bea maricar

00 fact sheet reggeeWALA kay Bea Alonzo bilang si Rose/Emmanuel ang mga maiinit na tarayan nila ni Maricar Reyes bilang si Shasha sa seryeng Sana Bukas Pa Ang Kahapon na napapanood gabi-gabi sa ABS-CBN.

Say ni Bea, “nag-eenjoy kami lagi ni Maricar tuwing nag-aaway at nagtatarayan kami sa mga eksena namin bilang sina Sasha at Rose.”

Kuwento ng aktres nang mag-renew siya ng two-year contract sa Kapamilya Network, “nakatutuwang gawin ‘yung away scenes dahil sa totoong buhay hindi namin ‘yun ginagawa. Challenge para sa amin na gawing kapani-paniwala sa viewers ‘yung tarayan at sagutan namin.”

Kabaligtaran sa alitan ng kanilang mga karakter, kuwento ni Bea na maayos ang samahan nila off-cam ni Maricar at ng kanyang leading man na si Paulo Avelino na gumaganap sa kuwento bilang si Patrick, ang lalaking kapwa mahal nina Rose at Sasha.

“Lagi kaming nagtatawanan nina Maricar at Paulo sa set. Dahil sa soap na ito, mas naging close kami sa isa’t isa,” say ng aktres.

Anyway, hindi na papipigil pa si Rose sa kanyang paghihiganti sa lahat ng taong sumira sa buhay niya. Paano ipagpapatuloy ni Rose ang plano laban kina Sasha at Patrick ngayong may nararamdaman pa rin siya para sa kanyang asawa? Mapagtatagumpayan pa rin ba niya ang paghahanap sa tunay na pumatay kay Emmanuelle at sa kanyang ama?

Mula sa Dreamscape Entertainment Television, ang Sana Bukas Pa Ang Kahapon ay kuwento ng dalawang magkaibang babae na naghahangad na makamit ang hustisya mula sa direksiyon nina Trina Dayrit at Jerome Pobocan.

ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …