Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Joseph, ‘di na raw lumang tao, kamukha na raw ni Troll

082014 joseph marco

00 fact sheet reggeeHINDI na nga lumang tao ang tingin ngayon kay Joseph Marco kundi kamukha na raw niya si Troll.

Knows ba si Troll, ateng Maricris? (Yes, cute kaya nyan—ED)

Si Troll ay isang manika na nabibili sa Gift Gate noong 1980’s at talagang maraming bumibili dahil sa kakaiba niyang hitsura na nakataas ang buhok na kulay pula.

Feeling namin ay si Troll ang pinagaya ni direk Andoy Ranay kay Joseph para sa papel niyang gangster sa isang movie.

Anyway, naging honest si Joseph Marco sa tanong namin kung virgin pa siya dahil ang kaibigan niyang si Enchong Dee na napaamin ninaBoy Abunda at Kris Aquino nang mag-guest siya sa Aquino & Abunda Tonight ilang linggo na ang nakararaan na hindi na.

Sabi ng isa sa leading man ng Pure Love, “ha, ha, ha, matagal ng hindi, grabe 25 years old na ako, hindi na.”

Sabi pa ng aktor, “sa generation natin ngayon?  I don’t think so, kasi mga 14 or 15, marami ng devirginized ngayon.”

Tatlo na raw ang naging seryosong gilfriends ni Joseph, pero hindi raw sa mga nabanggit niya ang unang experience niya.

“Hindi, I was 15 that time, so adventure lang, so kapag bata ka, very careless ka, okay naman.  It turned out to be fun naman,” nakangiting kuwento ng aktor.

“Mga non-showbiz lahat, natatakot din naman baka makabuntis, pero ‘pag girlfriend mo, siguro hindi,” say ni Joseph.

Samantala, pabor ba ang aktor sa pre-marital sex bago ikasal at paano kung ang gusto niyang babae ay katulad ni Nikki Gil na kasal muna bago mangyari ang gusto niya.

“To be honest, mas okay din naman talaga ‘yung kay Nikki, kasi mapi-preserve mo ‘yung love ninyo for each other at saka may ilu-look forward kayo after the wedding.

“Kasi kapag nakuha mo na lahat, parang nandiyan na lang, parang ibang-iba ang feelings sa hindi pa (nag sex),” katwiran din ng binatang aktor.

Sa mga sinabing ito ng aktor ay gusto rin niyang makahanap ng katulad ni Nikki Gil?

“Hindi naman looking for another Nikki Gil, but kung sino ‘yung maibibigay sa akin, ang importante sa akin ay kung sino ‘yung makakasundo ko, no matter virgin siya o hindi na. kung paano talaga mag-jive ang ugali namin in the long run.

“Paano kung virgin nga siya, tapos away kami ng away, wala rin, ‘di ba?  But as of now, I’m still single for more than two years na.

“But it doesn’t mean na when you’re single, hindi ka nakiki-mingle, di ba,”  seryosong kuwento ng binata.

ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …