Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Vhong, gagawin ang lahat maprotektahan lang ang pamilya

080214 vhong carmina louise

00 fact sheet reggeeSA pagtatapos ng Wansapanataym: Nato de Coco ay babawi na ang karakter ni Vhong Navarro bilang si Oca sa mga taong sumira ng kanyang basketball career.

Sa pagpapatuloy ngayong gabi at bukas, Linggo (Agosto 16 at 17) ng kuwentong pinagbibidahan ni Vhong kasama sina Carmina Villarroel at Louise Abuel ay gagawin na ni Oca ang lahat para protektahan ang pamilya mula sa maitim na balak ni Keith (Epy Quizon), na siya ring pinaghihinalaang tunay na nandaya sa basketball championship kapalit ng salapi.

Ano ang gagawin ni Oca para mailayo si Keith sa kanyang asawa’t anak? Matutulungan ba ni Nato (Louise) ang kanyang Tatay Oca na mapatunayang hindi ito ang nagsabotahe ng huling laro?

Bahagi rin ng Nato de Coco sina Ella Cruz, Joshua Dionisio, at Yogo Singh. Ito ay sa ilalim ng panulat ni Noreen Capili at direksiyon ni Lino Cayetano. Sa ilalim ng produksiyon ng Dreamscape Entertainment Television, ang original storybook ng batang Pinoy na Wansapanataym ay ang longest-running at most-awarded fantasy-drama anthology ng ABS-CBN. Huwag palampasin ang Wansapanataym Presents Nato de Coco tuwing Sabado, 7:15 p.m., at Linggo 7:00 p.m. sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.

ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …