ni Timmy Basil
IPAG-PRAY natin ang anak na lalaki nina Sandy Andolong at Christopher de Leon na si Miguel. Nasa US sila ngayon para ipa-opera ang sakit nito na Testicular cancer.
First time sa aking pandinig ang sakit na ito kasi ang kadalasan nating naririnig na sakit ng kalalakihan lalo na ‘pag medyo may edad na ay prostate cancer, pero mismong itlog ang may cancer.
Nai-imagine ko, kapag ang sakit-sakit siguro kapag madapuan ka ng ganitong klaseng sakit eh, mauntog lang sa kung saang parte ang balls mo ang sakit-sakit na at talagang mapapatalon ka sa sakit.
Well, advanced naman ang mga kagamitan sa US at magagaling ang kanilang doctor kaya sana malampasan ni Miguel ang sakit na kanyang iniinda ngayon.
Since nasa US ngayon si Miss Andolong, baka may mami-miss siyang episode sa sitcom nila nina John Lloyd at Toni Gonzaga sa ABS-CBN,ang Home Sweetie Home.