Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Joseph Marco, trending ang kaguwapuhan

00 fact sheet reggeeAMINADO ang Pure Love star na si Alex Gonzaga na katulad din siya ng ibang girls at girls-at-heart na nabighani sa kakaibang karisma ng leading man niyang si Joseph Marco na halos gabi-gabing trending topic sa Twitter dahil sa love triangle na nabubuo sa kanilang mga karakter sa serye na sina Dave (ginagampanan ni Joseph), Ysabel (ginagampanan ni Yen Santos), at Diane (ginagampanan ni Alex).

Say ni Alex, “hindi ko masisisi ‘yung viewers namin na agad na-in love kay Joseph kasi talagang may something special sa kanya.

“Very mysterious kasi si Jowsy (tawag ni Alex kay Joseph) kaya akala ko noong una, hindi kami magiging close. Pero mali ako. Kasi napakabait niya, madaling lapitan at masarap kausap. At hanga ako sa kanya bilang actor dahil napaka-professional niya. Tuwing take namin, in character agad siya bilang Dave.”

080514 Joseph Marco
Dahil sa patok na kuwento at hit na love triangle nina Alex, Joseph, at Yen ay patuloy ang pagre-reyna sa time slot ng Pure Love. Katunayan, base sa datos ng Kantar Media noong Hulyo 30, pang-apat ang tinaguriang primetime’s newest sensation sa listahan ng most-watched TV shows sa buong bansa taglay ang national TV rating na 20.4%, o lampas doble ng nakuha ng katapat nitong programa sa GMA na My BFF (8.5%).

Kasama nina Alex, Joseph, at Yen sa Pure Love sina Arjo Atayde, Arron Villaflor, Matt Evans, Yam Concepcion, at ipinakikilala si Anna Luna. Bahagi rin ng cast sina Sunshine Cruz, John Arcilla, Ana Capri, Bart Guingona, Dante Ponce, at Shey Bustamante mula naman sa direksiyon ni Veronica Velasco.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …