Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Acting ni Aljur ‘di papasa sa ABS-CBN; TV5, ‘di rin interesado sa aktor

00 fact sheet reggeeMABILIS namang kumalat na sa ABS-CBN daw lilipat si Aljur Abrenica kaya siya nagpapa-release sa GMA 7 dahil may mga paramdam na raw.

Bagamat mabilis itong itinanggi ng aktor nang makatsikahan namin siya sa Hall of Justice ng Quezon City Regional Trial Court noong Miyerkoles ng hapon ay marami pa rin ang naniniwalang baka nga raw may offer.

Nagtanong naman kami sa mga bossing ng ABS-CBN at iisa ang sagot nila, “hindi papasa si Aljur sa ABS dahil sa acting niya, baka nagpapa-release lang para maging available for ABS.”

072614 Aljur Abrenica
Baka naman sa TV5  lilipat si Aljur para makasama ang kapatid na si Alvin Abrenica na bilang lang ang programa.

Naloka kami sa sagot ng taga-TV5, “ano gagawin namin sa kanya?”

Tsika naman sa amin na gustong sundan ni Aljur ang yapak nina JC de Vera at Paulo Avelino sa Dos.

Ang alam namin ay tinapos ni JC ang kontrata niya sa GMA 7 at TV5 bago siya nag-ABS-CBN at si Paulo rin sa Kapuso Network.

Base rin sa nakuha naming tsika sa mga taga-GMA 7, “anyare? Isa ka sa paborito ng GMA, alam mo ‘yan, pero hindi mo nabibigyan ng pansin.

“Ang dapat mong bigyan ng pansin ang pag-arte mo, ayaw mong mag-workshop, pinagwo-workshop ka. Kung ano-ano inuuna mo.  Nakakalungkot na humantong ka sa desisyong ito.”

Ayay!

ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …