Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Hawak Kamay ni Piolo, bagsak sa ratings

00 fact sheet reggeeMAY nagpadala sa amin ng mensahe mula sa hindi namin kilalang numero at humihingi ng tulong na kung puwede ay isulat namin ang seryeng Hawak Kamay at may naligaw ding mensahe na pinapa-hype rin daw ng ABS-CBN management ang nasabing programa nina Piolo Pascual, Nikki Gil, at Izza Calzado na napapanood pagkatapos ng TV Patrol.

Balik-tanong namin sa nagpadala kung bakit? Mababa ba ang ratings? Pero hindi kami sinagot kaya mega-tanong kami sa mga taga-ABS-CBN pero ang sabi sa amin, “naku, hindi po namin natutukan kasi maaga kami umuuwi mahirap sumakay kasi po may bagyo.”

Say naman ng kausap naming executive ay, “hindi ko pa nasisilip.”

072014 Nikki Gil Piolo Pascual Iza Calzado

Tinext namin ang taga-Corporate Communication kung totoong mahina ang ratings ng Hawak Kamay pero hindi kami sinagot.

At may nasulat na palang hindi maganda ang itinalang ratings ng Hawak Kamay nang umere ito noong Lunes na tinalo ng katapat nitong Nino.

Magagaling at kilala ang cast ng Hawak Kamay. Naroon sina Zaijian Jaranilla, Xyriel Manabat, at Andrea Brillantes na pawang mga rater ang mga programang pinagmulan nila.

Say ng taga-ABS-CBN, “sayang nga, kasi ang taas ng ‘Pure Love’ at ‘Patrol’, tapos biglang baba sa ‘Hawak Kamay’, tapos tataas sa ‘Ikaw Lamang’ hanggang ‘Sana Bukas Pa Ang Kahapon’. Hindi rin alam ng management bakit nagkaganoon.”

Panoorin nga natin Ateng Maricris para malaman natin kung bakit hindi nga ito humahataw sa ratings.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …