Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sylvia, publicist ni Arjo para sa Pure Love

00 fact sheet reggeeDAHIL panay ang post ni Sylvia Sanchez, mama ni Arjo Atayde sa kanyang Facebook account na panoorin ang Pure Love ay tinanong namin kung publicist siya ng nasabing serye at tawa naman siya ng tawa sa amin habang kausap sa kabilang linya.

“Ha, ha, ha,ha oo, PR na ako. Siyempre proud ako sa ‘Pure Love’, ang ganda kaya. At saka number 4 sila sa over-all ratings sa primetime ng ABS-CBN huh! Una ang ‘Dyesebel’, ‘Ikaw Lamang’, ‘TV Patrol’ at ‘Pure Love’, ‘di ba nakaka-proud?” katwiran naman sa amin.

Hindi lang ang pamilya at kamag-anak ni Arjo ang sumusuporta dahil pati raw mga kaibigan nila ay nakaabang din.

“Korek,” say sa amin ng proud mom.

070214 sylvia arjo
Supposedly ay may shooting kahapon si Ibyang ng pelikula nila ni John Lloyd Cruz para sa Star Cinema, pero na-pack up.

“In fairness kay John Lloyd, pinilit niyang tumayo, pumunta siya sa set, pero hindi talaga kaya (kunan) kaya pinagpahinga na lang siya,” kuwento ni Ibyang sa amin.

Pansin nga namin ay sakitin si Lloydie, dahil sa tuwing may presscon ang aktor para sa bago niyang project ay parati siyang may sipon kaya panay ang hingi ng dispensa kasi medyo ngongo ang boses niya.

Balik tayo kay Ibyang na medyo malungkot ngayon dahil ang pangalawa niyang anak na si Ria Atayde ay nasa Spain para mag-aral ng salitang Espanyol pagkatapos nitong magtapos kamakailan sa De La Salle University sa kursong Communication Arts.

“First time ko kasing mawalay sa anak ko, maski na tatlong buwan lang ‘yun, siyempre miss na miss ko na. Hindi kasi ako sanay na hindi ko kasama mga anak ko.

“Maski na may trabaho ako, isa o dalawang araw lang naman ‘yun o kaya pinapasunod ko sila sa set para makita ko, kaya maski paano nakikita ko pa rin sila.

“Hindi katulad ngayon, talagang wala si Ria rito sa bahay, pero panay naman ang kumustahan namin,” paliwanag ni Ibyang.

Anyway, sa Biyernes, Hulyo 25 na pala ang I HEART YOU 2: The ‘Be Careful With My Heart’ Anniversary Thanksgiving na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum at natawa kami dahil hindi raw iniisip ng aktres na kakanta siya.

“Hindi ko iniisip kasi kung iisipin ko, baka nerbyosin lang ako. Inisip ko, sa maliit na venue lang gagawin, mall show lang, ganoon. Kasi kung iisipin ko na Araneta pala ‘yun, eh, baka hindi na bumuka ang bibig ko,” pahayag sa amin.

Tinanong ulit namin kung bakit hindi man lang nagpa-praktis ng kanyang repertoire si Ibyang gayung halos lahat ay may rehearsal?

“Eh, singer ako, eh, ha, ha, ha,” birong sabi sa amin.

Ilan ba ang production number ni ‘Nay Teresita (karakter ni Ibyang sa Be Careful With My Heart) at may spot number ba?

“Solo as in solo?  Wala, eh, ‘di nahimatay na ako. Production number ‘yun, ayoko ikuwento para may surprise,” sabi sa amin.

At natatawa si Sylvia dahil kung kailan daw siya tumanda ay at saka niya nararanasan ang kumanta-kanta at mag mall show at ngayon naman ay tutuntong siya sa Big Dome.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …