Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dyesebel, Ikaw Lamang, at Sana Bukas Pa, naapektuhan ni Glenda

00 fact sheet reggeeON and off ang koryente sa lugar namin noong Miyerkoles ng gabi kaya hindi namin natutukang panoorin ang mga seryeng Dyesebel, Ikaw Lamang, at Sana Bukas Pa Ang Kahapon kaya nagtataka kami kung bakit maraming nagsabing ‘replay’ daw lahat.

Noong una ay hindi namin pinansin ang mga tanong sa amin pero sa kabilang banda ay nagtanong na rin kami sa taga-Dreamscape Entertainment kung bakit nag-replay ang dalawang serye pero hindi kami sinagot.

Kaya’t si Biboy Arboleda, Adprom Head ng nasabing unit na lang ang tinext namin tungkol dito at kaagad namang nag-textback.

“Regg, it was highest management decision, kasi masasayang lang ang original episode tonight na pinaghirapan tapos walang masyadong makakapanood dahil sa power outage all over.

“Kaya kapag doon (management) manggagaling ang decision, doon din manggaling ang instructions, trust me, walang manonood tonight as in siguro 30 percent lang ng buong bansa ang may koryente,” paliwanag mabuti sa amin ni Biboy.

Tinanong namin kung paano ang finale ng Dyesebel (kagabi) at kung magiging dalawang episode ang ipalalabas dahil nga hindi umere ang pang-Miyerkoles.

“Inaayos now, Regg, bukas (kagabi), it’s original na all the series pati finale ng ‘Dyesebel’ sa Friday ay original,” mensahe sa amin.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …