Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Anne, nagmarka bilang Dyesebel

00 fact sheet reggeeHULING gabi na ngayon ni Anne Curtis bilang si Dyesebel na mas lumalim pa ang pagpapahalaga sa kanyang trabaho dahil sa mga hindi niya malilimutang karanasan habang ginagawa ang top-rating primetime fantaserye ng ABS-CBN.

“Ang dami kong natutuhan dahil sa ‘Dyesebel.’ Dito ko na-realize ko kung gaano ako katatag at kung gaano ko pinahahalagahan itong craft na pinili ko. Kahit na umuulan o bumabagyo, tuloy pa rin kami sa pagtatrabaho dahil ganoon namin kamahal itong ginagawa namin,”pahayag ni Anne kaugnay ng seryeng pinagbidahan niya kasama sina Sam Milby, Andi Eigenmann, at Gerald Anderson.

Ayon pa kay Anne, sulit ang lahat ng pagod at puyat ng cast dahil sa gabi-gabing pagsubaybay ng TV viewers.

071814 Anne Curtis
“Kakaiba po talaga ang saya kapag naririnig ko na tinatawag ako ng mga tao na Dyesebel. Kasi ibig sabihin, nagmarka na ‘yung character ko sa puso at isip nila,” ani Anne.

Simula nang umere ang Dyesebel noong Marso, gabi-gabi na itong nagreyna sa national TV ratings dahil sa mga kapana-panabik na tagpo sa buhay ni Dyesebel kasama sina Fredo (Gerald), Liro (Sam), at Betty (Andi), at sa mga mahahalagang aral na ibinahagi nito tungkol sa pangangalaga sa kalikasan.

Bahagi rin ng powerhouse cast ng Dyesebel sina Dawn Zulueta, Gabby Concepcion, ZsaZsa Padilla, Gina Pareño, at AiAi delas Alas mula sa direksiyon nina Don Cuaresma at Francis Pasion, at produksiyon ng Dreamscape Entertainment Television.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …