Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Image ni Ai Ai, pinasasama sa isang blog (Kris at may-ari ng Fashion Pulis, nag-dinner)

031514 aiai kris031514 aiai kris
ni Alex Brosas

ABA, ang Kris Aquino nagkaroon bigla ng kakampi sa katauhan ni Mike S. Lim, ang may-ari ng Fashion Pulis.

Nag-dinner ang dalawa kasama ang ilang friends ni Kris including social climber Bernard Cloma. Si Bernard yata ang nagpakilala kina Kris at Mike. Sa sobrang excitement nga ni Bernard, ipinost niya sa kanyang Instagram account ang photo nila ni Mike kasama si Kris.

Bakit biglang naging friend ni Kris si Mike? We could only think of one thing—ayaw niyang ma-blind item muli sa Fashion Pulis.

Ngayon, panay ang bira kay Ai Ai delas Alas sa  Fashion Pulis ng mga basher. The latest post na nakita namin ay ang photo na may suot si Ai Ai na T-shirt na may nakasulat na “I Love James Yap”. Ayun, walang patumanggang bashing ang napala ng komedyante.

Ang nakapagtataka, wala ni isa mang nag-comment na pabor kay Ai Ai, lahat ay against her. Parang ang hirap namang paniwalaan ng ganoon, ‘di ba?

Clearly,   somebody is manipulating the comments para pasamain ang image ni Ai Ai. Ayaw din naming paniwalaan na coincidence na friends na sina Mike and Kris ngayong naglabasan ang paninira kay Ai Ai.

Actually, ginawa lang friend ni Kris si Mike dahil hit na hit ang blog nitong Fashion Pulis. Siyempre, aware siyang ilang beses na siyang na-blind item sa blog kaya naman she’s trying to get his trust.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …