Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Toni, confident na ‘di mauungusan ang kinita ng Starting Over Again

ni Reggee Bonoan

NAKITA namin si Toni Gonzaga sa Grub Restaurant sa ELJ Building noong Biyernes ng tanghali at may taping daw sila ng sitcom na Home Sweetie Home kasama si John Lloyd Cruz.

Sinabi naming posibleng maungusan ng She’s dating The Gangster ang Starting Over Again na kumita ng P430-M.

“Ah, talaga? Tingnan natin,” sabi ni Toni na parang naniniwala siyang hindi kayang abutan ng tambalang Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang pelikula.

Samantala, binanggit din namin na mas magaling umarte ang kapatid niya kompara sa kanya.

“Okay lang sa akin kung mas magaling si Alex, kapatid ko naman siya, hindi naman ako nakikipag-compete, “ sabi ng TV host/actress.

Binanggit namin na sa comedy at hosting ang forte ni Toni samantalang ang kapatid niya ay dagdag ang galing sa drama.

“Oo nga, magkaiba kami at saka mas marami siyang kayang gawin, mas witty ‘yun,” pag-amin ni Toni.

“Hmm, kayo talaga, ‘pag kaharap n’yo si Alex, ako ang pinupuri n’yo, tapos ‘pag ako kaharap n’yo, pinupuri n’yo siya,” birong sabi sa amin ng panganay nina Mommy Pinty at Daddy Carlito.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …