Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sylvia, deadma sa lovelife ni Arjo

00 fact sheet reggeeNATATAWA si Sylvia Sanchez nang tanungin namin na ‘willing to wait’ pala ang anak niyang si Arjo Atayde kay Alex Gonzaga kung kailan ito handang mag-boyfriend kasi hindi raw siya nakikialam sa lovelife ng anak niya.

“Ha, ha, ha, hindi naman ako nakikialam sa love life ng anak ko, kung sino ang gusto niya, bahala siya, wala akong say.

“Kaya kung anuman ang sabihin nila kay Arjo pagdating sa lovelife niya, hindi ako apektado at deadma ako.

“Mas apektado ako kapag may umangal sa ugali ni Arjo na hindi siya marunong makisama sa mga ka-trabaho mula sa utility hanggang sa artista at kung hindi siya magalang.

“Doon ako apektado kasi siyempre ibig sabihin, hindi maganda ang pagpapalaki naming mag-asawa, eh, iyon ang pinupukpok ko parati sa lahat ng anak ko na rumespeto sa lahat maski na sino ang kaharap nila.

070214 sylvia arjo

“Kaya tungkol sa ligaw-ligaw o lovelife, wala akong pakialam diyan, maski sino na mahal ng anak ko, welcome sa akin, mahirap o mayaman basta marespeto sa pamilya, welcome sa bahay namin,” paliwanag ni Ibyang (tawag kay Sylvia).

Puring-puri ni Alex ang binata dahil nag-ala-catering daw sa set ng Pure Love dahil laging nagdadala ng pagkain.

Pambubuking ng nanay ni Arjo, “si Arjo kasi parating nagbabaon ‘yan ‘pag may taping, sasabihin niya, ‘ma, paghanda mo ako ng baon’.

“So ako, ipaghahanda ko siya like ‘yung corndog with cheese nga, apat na piraso, tapos pag-uwi, sabi niya, ‘ang kaunti pala ng ipinadala mo, hindi ako kumain kasi kakaunti, ayokong kumain ng may nakakakita.’

“Gusto kasi ni Arjo, lahat kakain ng dala niya, pati staff, director, lahat ng nasa set kasi katwiran niya, bigyan lahat kasi magkano lang naman ang kinikita nila tapos puyat at pagod pa. Kaya siguro niloloko siyang may catering, lahat, mula ulam at meryenda.

“Kaya proud ako sa anak ko sa ganoong bagay, kasi siya mismo ang nagkukusa at hind ko ‘yon itinuro,” say ni Nanay Teresita ng Be Careful of with My Heart.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …