Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Direk GB, idine-date si Ritz

00 fact sheet reggeeINAMIN na ni Direk GB Sampedro sa ginanap na presscon ng Celebrity Dance Grand Battle na sweet nga sila ni Ritz Azul sa shooting ng Separados.

Say ni direk GB, “getting there.

“Hindi ko lang alam kung siya (Ritz), eh, ako lang ang idini-date rin,” sambit ng direktor.

May ibang aktor pa lang nanliligaw kay Ritz na halos ka-edaran din niya kaya siguro asiwa si direk GB kasi nga naman, 18 years ang agwat ng edad nila ng batang aktres.

“Sa akin naman, hindi (problema) ang age, eh, numero lang ‘yan, as long as nagkakasundo kayo ng pinag-uusapan,” katwiran naman sa amin.

Edad 17 pala ang panganay ni direk GB kaya three years lang pala ang tanda ni Ritz dito.

070214 Direk GB Sampedro ritz

Say namin, kung kami kay Ritz ay mas pipiliin namin si direk GB kasi may patutunguhan na ang buhay, emotionally at financially stable na kompara sa binanggit na young actor na nanliligaw ay gumagawa pa rin ng pangalan at masasabing wala pang ipon.

Natawa kami sa sagot sa amin ni direk GB, “ha, ha, ha, eh, sana malaman niya (Ritz) ‘yan,” na sinagot naming, ‘tiyak dahil isusulat namin.’

Malapit sa kuwento ng buhay ni direk GB ang istorya ng Separados, “2006 ko pa ito nasulat kaso natitigil ako kasi may iba pa akong ginagawa.

“Mas nauna ko pa itong sulatin kaysa ‘Astig’ na nauna kong gawin na ginawa ko naman noong 2009.

“For some reasons natitigil ako, feeling ko, kulang ‘yung istorya, natapos ko sulatin (‘Separados’), 2013, seven (7) years, kasi very close sa akin ‘yung istorya kasi, ‘di ba, separated ako 2005,” kuwento ni direk GB.

Anim na lalaking magkakaibigan ang kuwento at lahat na may mga asawa na at lahat nahiwalay.

Si Ritz daw ang magiging second wife ng isa sa bida sa pelikula na sinundot namin ng, ‘siya rin ang magiging second wife mo?’

“Ha?  Tingnan natin, kaya ayaw kitang kausap, ang galing mong lumiko,” natatawang sagot sa amin ni direk GB.

“Ang akin lang, eh, ini-enjoy ko ‘yung time na nagkakakilala kami, malay mo, baka hindi naman ako ‘yung tipo ng lalaking gusto niya, almost two months palang kami lumalabas.

Bukod sa pagdidirehe ng Face The People ay abala rin si direk GB sa post-production ng Separados na ipalalabas na sa Agosto 1 for Cinemalaya Festival at may plano rin siyang isali ito sa ibang bansa, “para sa festivals,” aniya.

“Nagpo-produce rin ako ngayon ng album, original soundtrack ng ‘Separados’, sina Erik (Santos), Jaya, at Lara Maige (Philpop) kasi ako rin ‘yung nagsulat ng ibang kanta,” kuwento ni direk GB.

Multi-talented pala si direk GB dahil bukod sa scriptwriter na ay nagsusulat din siya ng kanta at tula at nagdidirehe pa.

“Passion ko ang magsulat, actually marami na kaong nasulat na tula noon pang nag-aaral ako, lalo na kapag masama loob ko, hayan susulat ako kapag masaya ako, susulat ako, pero nakatago lang lahat, ‘yung iba nga naitapon ko na. Mahilig kasi ako sa music, nagpi-piano ako,” say ni direk GB.

Sa pagsusulat ba ng tula niya idinadaan kaya napapaibig niya ang mga babae? “ay wala nga akong binigyan ni isa ng tula ko,”sagot sa amin.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …