Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

“Ikaw Lamang,” wagi laban sa bagong katapat sa primetime

ni Peter Ledesma

PANALO pa rin sa labanan ng national TV ratings ang master teleserye ng ABS-CBN na “Ikaw Lamang” sa kabila ng pagkakaroon ng bagong katapat na programa. Base sa datos ng Kantar Media noong Lunes (Hunyo 30), nakakuha ng national TV rating na 29.2% ang seryeng pinagbibidahan nina Coco Martin, Jake Cuenca, Julia Montes, at Kim Chiu, o mahigit 14 puntos na kalamangan kompara sa nakuha ng pilot episode ng programa ng GMA na “My Destiny” (15%).

Samantala, bilang pasasalamat sa gabi-gabing pagsuporta ng mga manonood, makikipag-bonding ang “Ikaw Lamang” lead stars na sina Coco at Julia sa kanilang fans ngayong Sabado (Hulyo 5) sa Market! Market! Activity Center, alas-kwatro ng hapon. Kasama rin nina Coco at Julia sa espesyal na fans day ang isa sa mga umawit ng “Ikaw Lamang” theme songs na si Juris. Ang “Ikaw Lamang,” ang master teleserye ng ABS-CBN at isa sa mga obra ng Dreamscape Entertainment Television. Huwag palampasin ang mas painit nang painit na eksena sa master teleseryeng “Ikaw Lamang,” gabi-gabi, pagkatapos ng “Dyesebel” sa ABS-CBN Primetime Bida. Para sa karagdagang impormasyon kaugnay ng “Ikaw Lamang” bisitahin lamang ang official social media accounts ng programa sa Facebook.com/IkawLamang.Online, Twitter.com/IkawLamang_TV at Instagram.com/IkawLamang_TV.

ANGELINE QUINTO LIVE NA LIVE SA 19 EAST BAR & GRILL SA SUCAT PARAÑAQUE

Kasabay ng magandang pagtanggap ng TV viewers saSana Bukas Pa Ang Kahapon ng bagong movie queen na si Bea Alonzo at Paulo Avelino na umaapaw talaga sa taas ng ratings gabi-gabi, magkakaroon naman ng live performance ang kumanta ng official soundtrack ng SBPAK na si Angeline Quinto sa 19 East Bar & Grill sa Sucat, Parañaque na mag-uumpisa ngayong Huwebes, July 3 at 10 pm, at sa July 10 & 31. Mapapanood rin si Angeline sa same venue sa August 7, 14 and 21. Kakantahin ng tinaguriang “Queen of Teleserye” theme songs ang mga awitin na kasama sa OST ng serye tulad ng Sana-Bukas Pa Ang Kahapon, Gusto Kita, Umiiyak Ang Puso etc.

Aba, sa halagang P500 na cover charge, mag-e-enjoy na kayo kay Angeline sa paghagod ng mga awiting mula sa puso ay magkakaroon pa kayo ng libreng CD album ng nasabing official soundtrack. Kaya dalhin ang buong pamilya, barkada at ang inyong special someone at sama-sama tayong ma-inlove, mag-emote at mag-chill. Ang special event na ito ay hatid sa inyo ng Star Records, Cornerstone at ng Dreamscape Entertainment Television.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …