ni Reggee Bonoan
KAHALAGAHAN ng pagsunod sa mga magulang ang ituturo nina Miles Ocampo, Inah Estrada, at Alyanna Angeles sa mga bata ngayong Linggo (Hunyo 29) sa pagpapatuloy ng kanilang Wansapanataym special na pinamagatang Witch-A-Makulit.Sa kabila ng utos ng kanilang Tatay Pinong (Benjie Paras) at Ate Jade (Inah), gagamitin pa rin ni Krystal (Miles) ang kanyang super powers para makuha ang pagtanggap ng mga taong inaakala niyang kaibigan. Matututuhan na ba ni Krystal na sundin ang kanyang ama kapag nakasakit na siya ng ibang tao? Ano ang gagawin ng magkakapatid na Jade, Krystal, at Emerald (Alyanna) kapag natunton sila ng ibang mangkukulam?
Bahagi rin ng Witch-A-Makulit sina Malou Crisologo, Wilma Doesnt, Kristel Fulgar, CJ Navato, Jon Lucas, Nina Dolino, at Chienna Filomeno mula sa panulat ni Mariami Tanangco-Domingo at idinirehe ni Lino Cayetano. Sa ilalim ng produksiyon ng Dreamscape Entertainment Television, ang original storybook ng batang Pinoy na Wansapanataym ay ang longest-running at most-awarded fantasy-drama anthology ng ABS-CBN. Huwag palampasin ang pagpapatuloy ng Wansapanataym Presents Witch-A-Makulit ngayong Linggo, 6:45 p.m., bago mag-The Voice Kids sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.