Tuesday , November 5 2024

Malacañang walang planong patalsikin si Erap

SUMAGOT na ang Malacañang sa mga pagbibintang ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada at tiniyak na wala silang plano na patalsikin ang alkalde.

Bukod dito ay niliwanag din ni presidential spokesperson Edwin Lacierda na kinikilala ng executive department ang pagiging independente ng Supreme Court, at hindi sila makikialam sa kinakaharap niyang disqualification case.

Noong isang araw ay nagpahayag si Erap na ginigipit daw ni Pres. Noynoy Aquino ang pamilya Estrada at Ejercito para mabura na sila sa pulitika. Nasibak na kasi sa puwesto ang pamangkin niyang si Laguna Gov. ER Ejercito dahil sa overspending. Kasunod nito ay nakulong naman ang anak niyang si Sen. Jinggoy Estrada nang dahil sa pork barrel scam.

Nariyan pa ang maugong na balita na malapit nang ilabas ng Supreme Court ang desisyon nila sa disqualification case ni Erap. Akalain ninyong nagbanta pa si Erap na may masamang mangyayari kapag nasibak siya bilang alkalde ng Maynila. Ang puna tuloy ng iba ay parang napapraning na raw ito sa pag-aalala na palalayasin siya sa puwesto.

Ipinunto ni Lacierda na ang disqualification case laban kay Estrada na naka-pending sa Korte Suprema ay sinimulan bago pa pumutok ang iskandalo sa pork barrel scam.

“We certainly do not know the basis of those allegations. We have always maintained a distance from the Supreme Court. So I don’t know why they are now alluding to our involvement when we don’t even know the proceedings that are happening before the Supreme Court in respect to the disqualification case against Mayor Estrada,” ayon kay Lacierda.

Wala raw masamang tinapay sa pagitan ng mga Aquino at Estrada, ani Lacierda.

Tumulong pa nga raw si Erap sa gobyerno sa pakikipagnegosasyon  sa gobyerno ng Hong Kong para tuluyang maisara ang isyu sa naganap na Luneta hostage-taking noong 2010.

Sa tingin natin ay magulo ang utak ni Erap bunga marahil ng mga nangyari sa kanyang pamilya kaya kung anu-ano ang nasabi nito. Ganu’n pa man, pag-ingatan sana niya ang bawa’t salita dahil lalo lang sumasama ang imahe niya sa publiko.

Hindi niya dapat takutin si P-Noy o ang Korte Suprema na may mangyayaring masama   kapag naalis siya sa puwesto.  Ang sino mang opisyal ng gobyerno ay dapat sumunod sa batas.

Hindi puwedeng pairalin ang pagiging gangster na ano mang oras ay nakukuha ang gusto sa pamamagitan ng pananakot. Maraming ulit nang gumanap si Erap na gangster sa pelikula, mga mare at pare ko, pero huwag sana niyang dalhin ang papel na ito sa tunay na buhay dahil pati ang puwesto niyang hawak ay nadadamay at nababalutan ng putik.

Pakinggan!

***

NAGKAKAISA ang marami na kapag lumabas ang arrest warrant laban kay Sen. Juan Ponce-Enrile ay dapat sumailalim ito sa hospital arrest dahil 90-anyos na siya at marami nang sakit.

Ayon kay P-Noy ay dapat itong bigyan ng konsiderasyon sa kanyang edad at kondisyon.

Makabubuting ganito rin ang gawin kung kinakailangan sa lahat ng huhulihin na edad 60 pataas.

Hindi ito pagbibigay ng VIP treatment, mga mare at pare ko, kundi pagiging makatao sa kapwa.

Tandaan!

Ruther D. Batuigas

About Ruther D. Batuigas

Check Also

DOST NCR Launches Regional Science, Technology, and Innovation Week to Promote Green Economy Solutions in Metro Manila

DOST NCR Launches Regional Science, Technology, and Innovation Week to Promote Green Economy Solutions in Metro Manila

The Department of Science and Technology National Capital Region (DOST NCR) launched its annual Regional …

DOST I empowers Community with Potable Water Solutions, deploys SAFEWATRS Technology in Umingan, Pangasinan

DOST I empowers Community with Potable Water Solutions, deploys SAFEWATRS Technology in Umingan, Pangasinan

To provide a reliable emergency potable water system, the Department of Science and Technology (DOST) …

Ang Programa sa Pagsasanay ng Magsasaka ng SM Foundation ay Nakapagpatapos ng 87 farmer trainees sa Bulacan

Ang Programa sa Pagsasanay ng Magsasaka ng SM Foundation ay Nakapagpatapos ng 87 farmer trainees sa Bulacan

Hindi bababa sa 87 farmer trainees kamakailan ang nakatapos ng 14-week training program ng SM …

Trish Gaden

Trish Gaden aminadong liberated sa sex, nagpatakam sa pelikulang Baligtaran

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IPINAHAYAG ni Trish Gaden na mahirap maghubad sa harap ng …

Luke Mejares

Luke happy sa success ng 90’s Rewind US Tour

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA si Luke Mejares sa tagumpay ng ng Luke Mejares 90’s Rewind US Tour  na sold outs …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *