Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ryan Agoncillo, ‘di pa sure sa Talentadong Pinoy (Dahil sa pagtaas ng TF at availability)

ni Reggee Bonoan

PANAY ang anunsiyo ng TV5 tungkol sa nalalapit na pagbabalik ng Talentadong Pinoy ni Ryan Agoncillo, pero hindi pa pala plantsado ang TV host/actor kung siya pa rin ang host?

Ito ang tsikang nakuha namin sa executives ng TV5, yes Ateng Maricris, hindi lang isang boss ang nakausap namin kundi lima sila. Ang buong kuwento, “problema nga kasi hindi pa naman sure si Ryan, may mga inaayos pa, hindi mag-jive ‘yung gusto niya at ng management.

“’Yung direktor ng ‘Talentadong Pinoy’ na si Rich Ilustre ay nasa ABS-CBN na, kasi siya ‘yung nagdirehe ng ‘Bet On Your Baby’.

“Ang usapan kasi, after ng ‘Bet On Your Baby’ ay babalik na sa ‘Talentadong Pinoy’, eh, may second season pala ang show ni Juday (Judy Ann Santos), so napurnada, hindi niya raw mabitiwan at saka mahihirapan siya (Rich) kasi parehong reality show plus the fact na depende sa availability ng host kung kailan puwedeng mag-taping.

“At saka may ibang shows din si Ryan sa kabila (GMA 7), so mahirap talaga. Kaya dapat ang magiging direktor ay kasundo ni Ryan at susundin ang availability niya. ‘Yun ang mga problema.”

Dagdag pa na medyo tumaas ang talent fee ni Ryan sa muli niyang pagbabalik ng TV5 dahil bagong kontrata na raw itong pagpasok ng Talentadong Pinoy. At dahil tumaas ang TF ng TV host/actor ay kinailangan naman daw mag-slash sa talent fees ng mga production staff bagay na ikinalungkot nila.

“Kasi siyempre, saan mo huhugutin ‘yun, ang production cost hindi naman nabago, kasi ganoon pa rin, so sa suweldo ng mga staff ka magbabawas para matuloy ang show,” paliwanag sa amin.

Nakakaloka, kawawa naman ang mga sumusuweldo ng magkano lang sa production babawasan pa. Sabagay, kapag hindi natuloy ang show, pare-pareho lang naman ang staff at host na walang suweldo, kaya mas maige na lang na ituloy ang programa maski na half-the-price ang TF? Ano ang point of view mo Ateng Maricris?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …