Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Julia, ayaw pag-usapan ang pagtanggal sa apelyido ng amang si Dennis

ni Reggee Bonoan

NALUHA si Julia Barretto sa interview sa kanya tungkol sa nalalapit na pagtatapos ng unang serye niyang Mira Bella kasama sina Sam Concepcion at Enrique Gil.

“First of all kasi, magtatapos na ‘yung show, siyempre, nakaka-sad din ‘yun, but I think, kapag I’m telling my stories, ‘yung journey ko, I get emotional talaga kapag ikinukuwento ko ‘yung mga pinagdaanan ko,” pagtatapat ng batang aktres.

Open book ang buhay ni Julia dahil sa gusot ng pamilya Barretto at lahat ito ay dala-dala ng batang aktres na isa rin sa pinaghuhugutan niya kaya lumalabas ang husay niya sa pag-arte. Kaya naman nang umere na ang MiraBella ay abot-abot ang pasalamat ni Julia dahil maganda ang ratings at feedback.

At bukod pa sa sariling problema ng pamilya Barretto ay heto at dagdag isyu na naman ang tungkol sa tatay niyang si Dennis Padilla na masama ang loob sa anak. Balitang ipinatanggal na raw ang apelyido ni Dennis sa mga papeles ni Julia bagay na hindi matanggap ng aktor. Kaya kinunan ng komento si Julia rito, pero kaagad niyang sinagot ng, “I’m good.” Bagay na ayaw mag-elaborate ng batang aktres.

Pero may nakatsikahan kami na, “mahihirapan sina Marjorie kasi naka-pirma si Dennis sa birth certificateni Julia bilang ama, eh, maraming proseso pa ‘yan, maraming taon pa.”

At muling gumanda ang facial expression ni Julia nang tanungin siya tungkol sa leading man niyang si Enrique at kung hanggang saan ang closeness nilang dalawa dahil base sa kuwento ng aktor ay ang dalagita ang pinakamalapit sa kanya.

“That’s very nice of Quen (palayaw ni Enrique) naman, siyempre, nakaka-flatter siya, kasi you’re working, you’re building of a friendship, tapos iyon pala ang tingin niya sa akin, iyon pala ang feelings niya towards me na ako na pala ‘yung naging close niya sa lahat. It’s very flattering.

“Wala namang meaning ‘yung closeness namin, we’re really good friends, just close friends,” natawang paliwanag ni Julia. Kaya raw nahulog nang husto ang loob ni Julia kay Enrique bilang kaibigan ay, “because of our personalities, were very much alike, nag-click ang personalities namin, nag-jive, boy version ni Julia Barretto,” kuwento ng dalagita.

At nabuking namin na pati pala sa pagkain ay iisa ang tipo nina Julia at Quen, ang San Marino Corned Tuna. Sabi ni Enrique, “I love it! Even before, San Marino Corned Tuna na ang palaging kinakain ko. Then, they got me as their endorser, wow, it’s like a win-win situation.

“Before I joined ‘Bachelor Bash’, I didn’t know anything, I was like 17 and the youngest at that time. And they told me, ang diet ko nga raw, I can eat crackers and San Marino Corned Tuna and since then, it was really effective.

“And what I enjoyed the most, naka-diet ako, pero, ang sarap ng kinakain ko, so, hindi mo mapi-feel na nagda-diet ka pala,” kuwento ng aktor.

At ang paborito ng batang aktor ay ang San Marino Corned Tuna chilli flavour. Si Julia naman, “actually, I learned it from Quen. Because on the set, this guy, he diets. And there are times na nakikita ko talaga sa diet niya ang corned tuna.

“Sometimes kasi, his face is smaller than mine sa screen, Ha Ha ha! So, every time na may taping kami, I have to diet. I have to try what he does. And, masarap siya! “I’m just very grateful, it could have been anybody. It could have been a different pair. But they trust Quen and I and coming from the past endorsers, it’s such an honour.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …