Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ikaw Lamang, pinadapa ang 2 katapat na GMA show!

00 fact sheet reggeeANONG nangyari sa mga programang Carmela at Kambal Sirena ng GMA 7 na tumapat sa Ikaw Lamang ng programming nina Coco Martin at Kim Chiu?

Dating Carmela ang katapat ng Ikaw Lamang, pero dahil laging laos sa ratings game ay naging Kambal Sirena na waley din at balita namin ay may bagong show na ipapasok.

Hindi naman itinanggi ng taga-GMA 7 na talagang napag-iiwanan na sila in terms of ratings game, “lumalaban naman kami, magkaiba kasi ang pinagkukunan ng ratings ng ABS at GMA, minsan panalo kami, minsan talo. Hindi naman porke’t nagpalit ay talo na.”

Sabagay, maraming nag-aabang kung anong mangyayari sa buhay ng mag-inang Angel Aquino at Kim Chiu na may maitim na balak si Ronaldo Valdez na it turned out na siya pala ang pinakamasamang karakter sa Ikaw Lamang at hindi si John Estrada. At kakampi pa ni Ronaldo ang apong nuknukan din ng sama na si Jake Cuenca na mas mahal ang asawang si Kim kaysa pangalawang anak nila.

Hindi kaya ang ending, kakampi na rin si Julia Montes kina Ronaldo at Jake dahil sa selos nito kay Kim?

Anyway, kanino ba talaga ang loyalty ni Ronnie Lazaro, kay Ronaldo o kay John?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …