Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sino at ano si derek sa buhay ni Kris? (Magkaibigan nga lang ba o nanliligaw?)

00 fact sheet reggeePINAG-UUSAPAN na naman sa social media at laman ng pahayagan ang pagbisita ni Derek Ramsay sa set ng Kris TV noong Lunes kaya nagulat ang lahat dahil ano ang ginagawa ng aktor sa Kapamilya Network?
Kung hindi kami nagkakamali ng tanda ay hindi na pinapayagan si Derek na pumunta sa ABS-CBN dahil nagtampo ang management sa kanya nang lumipat siya sa TV5. Nadulas lang ang kausap naming TV executive kaya namin nalaman ang hinampo ng ABS-CBN management kay Derek.

Anyway, nasa gilid lang si Derek ng studio at wala namang balak magpakita sa TV camera pero si Kris mismo ang nagtanong, “puwede ko ba siya papasukin?

“Papasukin na natin puwede para lang maka-thank you ako, kasi kapag malungkot ako, siya talaga ang nagpapasaya sa akin. Pasok ka na Derek, say hi lang.

“Welcome back from Palawan. Naghe-hello lang kapitbahay natin siya. Baka kasi mapagalitan siya sa kabila at mapagalitan ako rito, so nandiyan siya sa likod, okay na ‘yan,” masayang sabi ng TV host.

At mukhang natuwa nang husto si Kris sa reaksiyon ng tao sa studio kaya ng kumanta si Juris ng Dreaming of You ay sinabi nito sa aktor, “Derek, para sa iyo ‘yan. Ha-hahaha! Bakit? We have democracy. It’s a free country. We can express ourselves.”

Ayan, kaliwa’t kanan na ang tanong ng mga nakapanood kung sino at ano si Derek sa buhay ni Kris? Magkaibigan nga lang ba o baka naman nanliligaw na ang aktor dahil maraming oras ang ibinibigay niya sa TV host?

040214 Derek Ramsay kris

Kaya tinanong namin si Kris kung ano talaga ang real score nila ni Derek. “We’re the BEST of Friends, si Derek ang hingahan ko ng sama ng loob, he got in from Palawan last night (Sunday) came to check on me today (‘Kris TV’). TRUE FRIEND siya!” ito ang mensahe sa amin ni Kris tungkol sa kanila ng aktor.

At sa Aquino and Abunda Tonight noong Lunes ng gabi ay nagkakalokohan na naman sina kuya Boy Abunda at Kris tungkol nga sa pagdalaw ni Derek sa Kris TV at sa awiting Dreaming of You, “I love Mondays” say ng King of Talk na ikinatuwa naman ng Queen of All Media.

Hindi binabanggit ang pangalan ni Derek kaya sabi ni Kris, “ha, ha, pinag-uusapan natin siya pero hindi natin binabanggit ang pangalan, bongga!

“He’s a wonderful person talaga any girl would be the most blessed girl to have him as a bestfriend, boyfriend, husband whatever.

“At matiyaga, kahit iyak ako ng iyak, pinagtitiyagaan niya ang iyak ko, kahit hindi naman siya ang iniiyakan ko,” kuwento ni Kris.

At sa kalagitnaan ng kuwentuhan nila ni kuya Boy ay nabanggit niyang malapit na niyang maging ‘manager-in-law’ ang manager ni Derek na si Jojie Dingcong.

Kinunan namin ng komento si Jojie kahapon, pero matipid ang sagot niya, “Derek and Kris are really good friends, that is true talaga.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …